“Ang Pananampalatayang Humingi at Pagkatapos ay Kumilos,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.
Sesyon sa Sabado ng Gabi
Ang Pananampalatayang Humingi at Pagkatapos ay Kumilos
Mga Sipi
Ang paraan ng pagtanggap ng paghahayag mula sa Diyos ay hindi nagbago mula pa noong panahon nina Adan at Eva. Gayundin iyan sa lahat ng tinawag na tagapaglingkod ng Panginoon mula sa simula hanggang ngayon. Gayundin ito sa inyo at sa akin. Ito ay laging ginagawa nang may pananampalataya. …
… May mga tanong kayo na hinahanapan ninyo ng mga sagot. May sapat na pananampalataya man lamang kayo para umasang makatatanggap kayo ng mga sagot mula sa Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga tagapaglingkod. Hindi kayo magkakaroon ng pagkakataon na makahingi ng malakas na mga sagot mula sa mga tagapagsalita, ngunit maaari ninyong tanungin ang inyong mapagmahal na Ama sa panalangin.
Alam ko batay sa karanasan na darating ang mga sagot na aakma sa inyong mga pangangailangan at sa inyong espirituwal na paghahanda. …
Kung ang inyong pananampalataya kay Jesucristo ay nakapagpalambot ng puso dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala, mas madarama ninyo ang mga bulong ng Espiritu bilang sagot sa inyong mga panalangin. …
Dahil ang ating pananampalataya kay Jesucristo ay naghikayat sa ating humingi ng mga sagot sa Ama, ang pananampalataya ring iyon ang magpapadama sa atin ng impluwensya ng Tagapagligtas na sapat para marinig natin ang Kanyang patnubay at masigasig at masabik na sumunod. …
Pinatototohanan ko na ang bato kung saan tayo nakatayo ay ang saksi natin na si Jesus ang Cristo; na ito ang Kanyang Simbahan na personal Niyang pinamumunuan; at na si Pangulong Russell M. Nelson ang Kanyang buhay na propeta ngayon. …
Dalangin ko na mapasainyo ang gayunding patotoo.