2021
Dalangin Ko na Gamitin Niya Tayo
Nobyembre 2021


“Dalangin Ko na Gamitin Niya Tayo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.

Sesyon sa Sabado ng Gabi

Dalangin Ko na Gamitin Niya Tayo

Mga Sipi

bunton ng mga damit

Ang Simbahan ni Jesucristo ay binigyan ng kautusan ng Diyos na pangalagaan ang mga maralita. Ito ay isa sa mahahalagang bahagi ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan. …

Tumutugon ang Simbahan sa kautusang ito sa napakaraming paraan, na kinabibilangan ng:

  • ministering na ginagawa natin sa pamamagitan ng Relief Society, mga korum ng priesthood, at mga klase;

  • pag-aayuno at paggamit ng mga handog-ayuno;

  • mga bukirin at pagawaan ng mga de-latang pagkain;

  • mga welcome center para sa mga imigrante;

  • programa para sa mga nasa bilangguan;

  • mga gawaing pangkawanggawa ng Simbahan;

  • at ang JustServe app, kung saan mayroon nito, na nagbibigay sa mga boluntaryo ng angkop na mga pagkakataong maglingkod.

… Bagama’t ang mahigit sa 1,500 proyekto para sa COVID-19 ang talagang pinakamalaking pinagtuunan ng pagtulong ng Simbahan sa nakalipas na 18 buwan, tumugon din ang Simbahan sa 933 na mga kalamidad at sa pangangailangan ng mga refugee sa 108 mga bansa. …

Tungkol sa mga gawaing pangkawanggawa ng Simbahan, minsang sinabi ni Elder Jeffrey R. Holland: “Ang mga panalangin ay … kadalasang … sinasagot ng Diyos sa pamamagitan ng paggamit sa ibang tao. Dalangin ko na gamitin Niya tayo” [“Neonatal Resuscitation with Elder Holland” (video), The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, Nov. 10, 2011, youtube.com]. …

Mga kapatid, sa pamamagitan ng inyong paglilingkod, donasyon, oras, at pagmamahal, naging sagot kayo sa maraming panalangin. Subalit napakarami pa ring kailangang gawin. Bilang mga miyembro ng Simbahan, tayo ay may tipan na pangalagaan ang mga nangangailangan. Ang pagsisikap ng bawat isa sa atin ay hindi naman nangangailangan ng pera o pagpunta sa malalayong lugar; ang kinakailangan dito ay patnubay ng Espiritu Santo at nakahandang puso na magsasabi sa Panginoon ng, “Narito ako, suguin mo ako” [Isaias 6:8].