“Winawakasan ng Kapayapaan ni Cristo ang Pagkapoot,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.
Sesyon sa Linggo ng Umaga
Winawakasan ng Kapayapaan ni Cristo ang Pagkapoot
Mga Sipi
Ipinaliwanag ni Jesucristo na ang Kanyang doktrina ay hindi “pukawin sa galit ang mga puso ng tao, isa laban sa isa; kundi [ang Kanyang] doktrina [ay] ang mga gayong bagay ay maiwaksi” [3 Nephi 11:28–30]. …
Matapos ang pagdalaw ng Tagapagligtas sa mga lupain ng Amerika, nagkaisa ang mga tao. … Ang kanilang mga pagkakaiba ay hindi kasinghalaga ng kanilang pagmamahal sa Tagapagligtas, at sila ay nagkaisa bilang “mga tagapagmana ng kaharian ng Diyos” [4 Nephi 1:17]. Ang bunga nito ay “wala nang mas maliligayang tao … na nilikha ng kamay ng Diyos” [4 Nephi 1:16].
Ang pagkakaisa ay nangangailangan ng pagsisikap. Nabubuo ito kapag nagsisikap tayong magkaroon ng pag-ibig ng Diyos sa ating puso at nakatuon tayo sa ating walang hanggang tadhana. Pinagkakaisa tayo ng ating karaniwan, pangunahing pagkakakilanlan bilang mga anak ng Diyos at ng ating katapatan sa mga katotohanan ng ipinanumbalik na ebanghelyo. Ang ating pagmamahal sa Diyos at ang ating pagiging disipulo ni Jesucristo ay lumilikha ng tunay na malasakit sa iba. …
Kapag puspos ng pag-ibig ni Cristo ang ating buhay, tumutugon tayo sa mga ‘di-pagkakasundo nang may kaamuan, pagtitiis, at kabaitan. Mas inaalala natin ang damdamin ng ibang tao kaysa sa sarili nating damdamin. Sinisikap nating mamagitan at magtaguyod ng pagkakaisa. Hindi tayo nakikibahagi sa “away tungkol sa mga kuru-kuro,” hindi hinuhusgahan ang mga hindi natin makasundo, at hindi gumagawa ng anumang ikatitisod ng iba. Sa halip ay iniisip natin na ang mga hindi natin makasundo ay ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya batay sa mga karanasan nila sa buhay. …
… Inaanyayahan ko kayo na matatag ang loob na unahin ang inyong pagmamahal sa Diyos at pagiging disipulo ng Tagapagligtas kaysa sa lahat ng anupamang bagay. Tuparin natin ang tipan na bahagi ng ating pagiging disipulo—ang tipan na magkaisa.