“Ang Pangalan ng Simbahan ay Hindi Maaaring Baguhin,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.
Sesyon sa Linggo ng Hapon
Ang Pangalan ng Simbahan ay Hindi Maaaring Baguhin
Mga Sipi
Sa isang press conference noong Agosto 16, 2018, sinabi ni Pangulong Russell M. Nelson: “Ipinaalam sa akin ng Panginoon ang kahalagahan ng pangalang ibinigay Niya para sa Kanyang Simbahan, maging Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw” [“The Name of the Church,” Aug. 16, 2018, newsroom.ChurchofJesusChrist.org]. ….
Isang magandang tanong ang itinanong: Bakit ngayon, kung kailan maraming dekada na nating tinanggap ang palayaw na “Mormon”? “Ang Mormon Tabernacle Choir,” ang mga video spot na “I’m a Mormon,” ang awit sa Primary na “I am a Mormon Boy [Ako ay Isang Batang Mormon]”?
Ang doktrina ni Cristo ay hindi nagbabago at walang hanggan. Gayunpaman, ang partikular at mahahalagang hakbang ng gawain ng Tagapagligtas ay inihahayag sa tamang panahon ng mga ito. …
Salamat sa inyong marangal na pagsisikap na ipaalam ang tunay na pangalan ng Simbahan. …
Pinalawak ng Panginoon ang ating mga pagsisikap sa pagbago ng mga pangalan na matagal nang nakakabit sa Simbahan. …
Libu-libong mga Banal sa mga Huling Araw ang walang takot na nagpapahayag ng pangalan ng Simbahan. Habang ginagawa natin ang ating bahagi, magsusunuran ang iba pa. …
“Ang pangalan ng Simbahan ay hindi maaaring baguhin.” Sumulong tayo nang may pananampalataya. Kapag bukas-loob nating sinusunod ang payo ng Panginoon na inihayag sa pamamagitan ng Kanyang buhay na propeta, lalo na kapag taliwas ito sa inisyal nating iniisip, at nangangailangan ng pagpapakumbaba at sakripisyo, binibiyayaan tayo ng Diyos ng karagdagang espirituwal na lakas at isinusugo ang Kanyang mga anghel upang suportahan at tulungan tayo. Matatanggap natin ang patunay ng Panginoon at ang Kanyang pag-apruba.