“Ang Pag-ibig ng Diyos: Ang Labis na Nakagagalak sa Kaluluwa,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.
Sesyon sa Sabado ng Hapon
Pag-ibig ng Diyos: Ang Labis na Nakalulugod sa Kaluluwa
Mga Sipi
Mailalarawan natin sa ating isip ang pag-ibig ng Diyos bilang liwanag na nagmumula sa punungkahoy ng buhay, na lumalaganap sa buong mundo patungo sa puso ng mga anak ng tao. Ang liwanag at pag-ibig ng Diyos ay sumasakop sa lahat ng Kanyang mga nilikha.
Kung minsan nagkakamali tayo sa pag-iisip na madarama natin ang pag-ibig ng Diyos pagkatapos lamang nating sundin ang gabay na bakal at makakain ng bunga. Gayunman, ang pag-ibig ng Diyos ay hindi lamang natatanggap ng mga lumalapit sa punungkahoy kundi ang mismong kapangyarihang naghihikayat sa ating hanapin ang punungkahoy na iyon. …
Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi natatagpuan sa mga sitwasyon sa ating buhay, kundi sa Kanyang presensya sa ating buhay. Nadarama natin ang Kanyang pag-ibig kapag tumatanggap tayo ng lakas nang higit pa sa ating sariling lakas at kapag ang Kanyang Espiritu ay naghahatid ng kapayapaan, kapanatagan, at patnubay. Minsan mahirap madama ang Kanyang pag-ibig. Maaari nating ipagdasal na mabuksan ang ating mga mata para makita ang Kanyang kamay sa ating buhay at makita ang Kanyang pag-ibig sa kagandahan ng Kanyang mga nilikha.
Kapag pinagninilayan natin ang buhay ng Tagapagligtas at ang Kanyang walang katapusang sakripisyo, masisimulan nating maunawaan ang Kanyang pagmamahal sa atin. …
Nagpapatotoo ako na ang ating Panginoon at Tagapagligtas ay tunay ngang namatay para sa bawat isa sa atin. Pagpapakita ito ng Kanyang walang katapusang pagmamahal para sa atin at para sa Kanyang Ama. …
Nawa’y buksan natin ang ating puso upang matanggap ang dalisay na pag-ibig ng Diyos para sa atin at pagkatapos ay ibuhos ang Kanyang pagmamahal na iyon sa lahat ng ating ginagawa.