“Araw-araw na Pagbabalik-loob,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.
Sesyon sa Linggo ng Umaga
Araw-araw na Pagbabalik-loob
Mga Sipi
Hindi ba’t nakatutuwang isipin kung paanong ang maliliit at tila ‘di-mahahalagang bagay ay maaaring makagawa ng malaking kaibahan sa buhay natin? …
Karamihan sa mga pagbabago sa espirituwal na buhay natin—positibo at negatibo—ay nangyayari nang paunti-unti, sa paisa-isang hakbang. …
… Mayroon tayong maaasahan at nakikitang mga tanda sa daan na magagamit natin upang suriin ang ating daan.
At ano ang mga tandang ito sa daan?
Siyempre pa kasama rito ang pagdarasal araw-araw at pagninilay sa mga banal na kasulatan at paggamit ng inspiradong mga kagamitan tulad ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Bawat araw, makalalapit tayo sa trono ng Diyos nang may pagpapakumbaba at katapatan. Maaari nating pagnilayan ang ating mga kilos at muling balikan ang mga sandali ng araw natin—iniisip ang ating mga kagustuhan at pagnanais ayon sa Kanyang pananaw. …
Isipin na ito ay inyong personal at pang-araw-araw na pagbabalik-loob. Sa ating paglalakbay sa landas ng kaluwalhatian, alam natin kung gaano kadaling tumalikod. Ngunit katulad ng maliliit na paglihis na maaaring maglayo sa atin sa Daan ng Tagapagligtas, maibabalik din tayo ng maliliit at simpleng pagtutuwid. …
… Maaari nating malampasan ang mga kadiliman at pagsubok ng buhay na ito at mahanap ang daan pabalik sa ating mapagmahal na Ama sa Langit kung hahanapin at tatanggapin natin ang espirituwal na mga tanda sa daan na ibinigay Niya, yayakapin ang personal na paghahayag, at magsisikap na gawin ang araw-araw na pagbabalik-loob. Sa ganitong paraan tayo nagiging tunay na mga disipulo ng ating minamahal na Tagapagligtas na si Jesucristo.