2021
Ang Walang-Maliw na Pagkahabag ng Tagapagligtas
Nobyembre 2021


“Ang Walang-Maliw na Pagkahabag ng Tagapagligtas,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.

Sesyon sa Sabado ng Umaga

Ang Walang-Maliw na Pagkahabag ng Tagapagligtas

Mga Sipi

si Jesucristo na pinagagaling ang bata

Isa sa pinakakapuna-punang alituntunin na itinuro ng Tagapagligtas habang Siya’y nagmiministeryo sa lupa ay ang kahalagahan ng pagtrato sa iba nang may pagkahabag. …

… Nagpakita ng pagkahabag ang Tagapagligtas sa lahat ng lumalapit sa Kanya—nang walang pinipili—at lalo na sa mga lubos na nangangailangan ng Kanyang tulong. …

… Ang pagpapakita ng habag sa iba ay, sa katunayan, ang diwa ng ebanghelyo ni Jesucristo at tanda ng ating espirituwal at emosyonal na pagiging malapit sa Tagapagligtas. …

… Marami sa mga kakilala natin ang naghahanap ng pag-alo, atensyon, pagiging kabilang, at anumang tulong na maiaalok natin sa kanila. Lahat tayo ay maaaring maging instrumento sa kamay ng Panginoon at kumilos nang may pagkahabag sa mga nangangailangan, tulad ng ginawa ni Jesus. …

… Hindi tayo kailanman dapat maging malupit sa paghatol at walang habag sa ating kapwa dahil lahat tayo ay nangangailangan ng pag-unawa at awa mula sa mapagmahal na Ama sa Langit. …

Mga kaibigan, pinatototohanan ko na habang sinisikap nating isabuhay ang halimbawa ng pagkahabag na ipinakita ng Tagapagligtas, madaragdagan ang kakayahan nating purihin ang kabutihan ng mga tao sa paligid natin at mababawasan ang likas na ugali nating husgahan ang kanilang mga pagkakamali. Bubuti ang ugnayan natin sa Diyos, at siguradong magiging mas maganda ang ating buhay, mas lalambot ang ating mga puso, at matatagpuan natin ang walang-hanggang pinagmumulan ng kaligayahan. Makikilala tayo bilang mga tagapamayapa, na ang mga salita ay kasing-dalisay ng hamog sa umaga ng tagsibol.