2021
Ang Pagiging Karapat-dapat ay Hindi Pagiging Walang Kamalian
Nobyembre 2021


“Ang Pagiging Karapat-dapat ay Hindi Pagiging Walang Kamalian,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.

Sesyon sa Sabado ng Gabi

Ang Pagiging Karapat-dapat ay Hindi Pagiging Walang Kamalian

Mga Sipi

mga lalaking magkayakap

May ilan na ang pagkaintindi sa mensahe ay hindi kinakailangan ang pagsisisi at pagbabago. Ang mensahe ng Diyos ay na mahalaga ang mga ito. …

May ilan na ang pagkaintindi sa mensahe ay minsanan lang ang pagsisisi. Ang mensahe ng Diyos ay, tulad ng itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson, “Ang pagsisisi … ay isang proseso.” …

May ilan na ang pagkaintindi sa mensahe ay hindi sila ganap na karapat-dapat sa mga pagpapala ng ebanghelyo dahil hindi pa nila tuluyang naiwawaksi ang kanilang masasamang gawi. Ang mensahe ng Diyos ay ang pagiging karapat-dapat ay hindi pagiging walang kamalian. Ang pagiging karapat-dapat ay pagiging matapat at masikap. Dapat tayong maging matapat sa Diyos, sa mga priesthood leader, at iba pang nagmamahal sa atin, at dapat tayong magsikap na sundin ang mga kautusan ng Diyos at huwag sumuko dahil lamang sa tayo ay nagkamali. …

May ilan na ang pagkaintindi sa mensahe ay tutulong lamang ang Diyos pagkatapos nating magsisi. Ang mensahe ng Diyos ay tutulungan Niya tayo habang tayo ay nagsisisi. …

… Ang Kanyang biyaya ay hindi lamang gantimpala para sa mga karapat-dapat. Ito ay “banal na pagtulong” na ibinibigay Niya na tumutulong sa atin na maging karapat-dapat. Hindi lamang ito gantimpala para sa matwid. Ito ay “pagkakaloob ng lakas” na ibinibigay Niya na tumutulong sa ating maging matwid. Hindi lamang tayo lumalakad papalapit sa Diyos at kay Cristo. Tayo ay lumalakad na kasama Nila. …

… Kapag pakiramdam ninyo ay maraming beses na kayong nabigo sa inyong pagsisikap, alalahanin ang Pagbabayad-sala ni Cristo at ang biyayang idinulot nito ay totoo. “Ang [Kanyang] bisig ng awa ay nakaunat sa inyo” [3 Nephi 9:14]. Kayo ay minamahal—ngayon, sa loob ng 20 taon, at magpakailanman.