“Pangangaral ng Ebanghelyo ng Kapayapaan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.
Sesyon sa Sabado ng Umaga
Pangangaral ng Ebanghelyo ng Kapayapaan
Mga Sipi
Simula noong huling kumperensya, patuloy ang mga paghihirap sa mundo. Naaapektuhan pa rin ng pandaigdigang pandemya ang ating buhay. At ngayo’y nililigalig ang mundo ng isang alitan. …
Mga kapatid, ang ebanghelyo ni Jesucristo ay kailangan ngayon nang higit kailanman. … Mahal ko ang Panginoong Jesucristo at pinatototohanan ko na ang Kanyang ebanghelyo ang tanging pangmatagalang solusyon para sa kapayapaan. …
… Mayroon tayong sagradong responsibilidad na ibahagi ang kapangyarihan at kapayapaan ni Jesucristo sa lahat ng makikinig at hahayaang manaig ang Diyos sa kanilang buhay.
Bawat taong nakipagtipan sa Diyos ay nangakong pangangalagaan ang iba at paglilingkuran ang mga nangangailangan. Maipapakita natin ang pananampalataya sa Diyos at lagi tayong magiging handang sumagot sa mga nagtatanong tungkol sa “pag-asang nasa [atin]” [1 Pedro 3:15]. …
Ngayon, muli kong pinagtitibay nang husto na hinihiling ng Panginoon sa bawat karapat-dapat at may kakayahang binatilyo na maghanda para sa at maglingkod sa misyon. …
Para sa inyo na bata pa at may kakayahang mga sister, ang misyon ay isa ring maganda, ngunit opsyonal, na oportunidad. …
… Hinihikayat din namin ang mga senior couple na maglingkod kung kaya nila. …
Lahat ng missionary ay nagtuturo at nagpapatotoo tungkol sa Tagapagligtas. Kailangan ngayon ang liwanag ni Jesucristo nang higit kailanman dahil sa espirituwal na kadiliman sa mundo. Lahat ay nararapat na magkaroon ng pagkakataong malaman ang tungkol sa ipinanumbaik na ebanghelyo ni Jesucristo.