2022
Magmahal, Magbahagi, Mag-anyaya
Mayo 2022


Magmahal, Magbahagi, Mag-anyaya,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.

Sesyon sa Linggo ng Umaga

Magmahal, Magbahagi, Mag-anyaya

Mga Sipi

data-poster ng isang hanay ng mga tao na nakatingin sa isang tanawin

I-download ang PDF

Nakilahok ang mga miyembro ng Simbahan noon, mula sa pinakabago hanggang sa pinakamatagal na, sa dakilang atas ng Tagapagligtas, sa pagbabahagi ng mabuting balita ng ebanghelyo sa mga nakilala at kakilala nila. …

Tayo rin, bilang mga disipulo ni Cristo, ay inaanyayahang sundin ang Kanyang atas ngayon. …

… Mabuti na lang, maisasakatuparan ang dakilang atas ng Tagapagligtas sa simple at madaling maunawaang mga alituntunin na itinuro sa bawat isa sa atin noong bata pa tayo: magmahal, magbahagi, at mag-anyaya. …

Ang unang bagay na magagawa natin ay magmahal na tulad ni Cristo. …

Tuwing nagpapakita tayo ng pagmamahal na tulad ni Cristo sa ating kapwa, ipinapangaral natin ang ebanghelyo—kahit hindi tayo nagsasalita. …

Ang inaasam natin, siyempre, ay tatanggapin nila ang ating pagmamahal, bagama’t hindi natin kontrolado kung paano sila tumutugon. …

Ang pangalawang bagay na magagawa natin ay magbahagi. …

Lahat tayo’y nagbabahagi ng kung anu-ano sa iba. …

Paano natin simpleng maidaragdag sa listahan ng mga bagay na ibinabahagi na natin kung ano ang gustung-gusto natin tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo? …

Ang pangatlong bagay na magagawa ninyo ay mag-anyaya. …

Daan-daang paanyaya ang maipararating natin sa iba. Maaari nating anyayahan ang iba na “pumarito at tingnan.” …

Inaanyayahan ko kayong mag-isip ng mga paraan na maaari kayong magmahal, magbahagi, at mag-anyaya. Habang ginagawa ninyo iyon, makadarama kayo ng malaking kagalakan, batid na sinusunod ninyo ang mga salita ng ating pinakamamahal na Tagapagligtas.