“Ang Kapangyarihan ng Espirituwal na Momentum,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.
Sesyon sa Linggo ng Umaga
Ang Kapangyarihan ng Espirituwal na Momentum
Mga Sipi
Ang momentum ay isang makapangyarihang konsepto. …
Ngayon, gusto kong magmungkahi ng limang partikular na hakbang para mapanatili natin ang positibong espirituwal na momentum.
Una: Tahakin ang landas ng tipan at manatili roon. …
… Ang landas ng tipan ang tanging landas tungo sa kadakilaan at buhay na walang hanggan.
Tuklasin ang galak ng araw-araw na pagsisisi. …
… Pagsisisi ang susi sa pag-unlad. Ang dalisay na pananampalataya ang nagtutulak sa atin na sumulong sa landas ng tipan.
Sana huwag matakot o ipagpaliban ang pagsisisi. …
Ang pangatlong mungkahi ko: Alamin ang tungkol sa Diyos at kung paano Siya kumikilos. …
… Ang panlunas sa mga pakana ni Satanas ay malinaw: kailangan natin ng araw-araw na mga karanasan sa pagsamba sa Panginoon at pag-aaral ng Kanyang ebanghelyo. …
Pang-apat na mungkahi: Hangarin at asahang mangyayari ang mga himala. …
… Ilang bagay lamang ang magpapabilis sa inyong espirituwal na momentum nang higit sa pagkatanto na tinutulungan kayo ng Panginoon na ilipat ang bundok ng inyong buhay.
Panlimang mungkahi: Wakasan ang tunggalian sa inyong personal na buhay. …
… Magpakita ng pagpapakumbaba, lakas ng loob, at kalakasan na kailangan para magpatawad at humingi ng kapatawaran. …
… Kung sa ngayon ay parang imposible ang pagpapatawad, humingi ng kapangyarihan na tulungan kayo sa pamamagitan ng nagbabayad-salang dugo ni Jesucristo. Sa paggawa nito, nangangako ako ng personal na kapayapaan at biglang paglakas ng espirituwal na momentum. …
Sa paggawa ninyo ng mga bagay na ito, ipinapangako ko na makakaya ninyong sumulong tungo sa landas ng tipan nang may dagdag na momentum, anuman ang mga humahadlang sa inyo. At ipinapangako ko sa inyo ang dagdag na lakas para malabanan ang tukso, mas payapang isipan at pagkawala ng takot, at higit na pagkakaisa sa inyong pamilya.