2022
Mga Aral sa May Balon
Mayo 2022


“Mga Aral sa May Balon,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.

Sesyon ng Kababaihan

Mga Aral sa May Balon

Mga Sipi

data-poster ng kalsada sa tabi ng isang lawa

I-download ang PDF

Gusto kong ibahagi sa inyo ang tatlong aral na natututuhan ko habang patuloy akong umiinom mula sa … balon ng “tubig na buhay” [ng Tagapagligtas] [Juan 4:10].

Una: Hindi ang Ating Nakaraan at Kasalukuyang Sitwasyon ang Nagpapasiya sa Ating Hinaharap …

Isipin ang babae sa may balon. …

Naging isa siyang mabisang saksi, na nagpapahayag sa kanyang mga kababayan na si Jesus ang Cristo. “At marami sa mga Samaritano sa lunsod na iyon ang sumampalataya sa kanya dahil sa sinabi ng babae” [Juan 4:39].

Hindi ang kanyang nakaraan at kasalukuyang sitwasyon ang nagpasiya sa kanyang hinaharap. Tulad niya, mapipili nating bumaling sa Tagapagligtas ngayon para sa lakas at pagpapagaling na magbibigay sa atin ng kakayahang tuparin ang lahat ng isinugong gawin natin dito.

Pangalawa: Ang Kapangyarihan ay Nasa Atin [Doktrina at mga Tipan 58:28] …

Mga kapatid, ang kapangyarihan ay nasa atin upang isakatuparan ang maraming kabutihan! …

Pangatlo: Mula sa Maliliit na Bagay Nagmumula ang Yaong Dakila” (Doktrina at mga Tipan 64:33) …

Mga kapatid, maaaring mabago ang mga puso at mapagpala ang mga buhay kapag nag-alok tayo ng isang kurot ng asin, isang kutsarang pampaalsa, at isang sinag ng liwanag.

Pinatototohanan ko na ang Tagapagligtas ang asin sa ating buhay, na nag-aanyaya sa atin na tikman ang Kanyang kagalakan at pagmamahal. Siya ang pampaalsa kapag mahirap ang ating buhay, na nagbibigay sa atin ng pag-asa at nagpapagaan sa ating mga pasanin sa pamamagitan ng Kanyang walang-kapantay na kapangyarihan at tumutubos na pagmamahal. Siya ang ating ilaw, na tumatanglaw sa ating landas pauwi.