“Pagsunod kay Jesus: Pagiging Isang Tagapamayapa,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.
Sesyon sa Sabado ng Umaga
Pagsunod kay Jesus: Pagiging Isang Tagapamayapa
Mga Sipi
Itinuro ng Tagapagligtas kung paano mamuhay, noon at ngayon, sa isang mundong puno ng pagtatalo. “Mapapalad ang mga mapagpayapa,” pahayag Niya, “sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos.” [Mateo 5:9]. …
Paano pinakakalma at pinalalamig ng isang tagapamayapa ang nag-aapoy na mga sibat? Tiyak na hindi sa pagsasawalang-kibo sa harap ng mga humahamak sa atin. Sa halip, nananatili tayong tiwala sa ating pananampalataya, na ibinabahagi ang ating mga paniniwala nang may pananalig ngunit laging walang galit o masamang hangarin. …
Ano ang nagbibigay sa atin ng lakas upang mapalamig, mapakalma, at maapula ang nag-aapoy na mga sibat na nakatuon sa mga katotohanang mahalaga sa atin? Ang lakas ay nagmumula sa ating pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang mga salita. …
Bagama’t ang aming abang hangarin ay sundin ng lahat ang mga turo ng Tagapagligtas, ang mga salita ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta ay kadalasang salungat sa pag-iisip at mga kalakaran ng mundo. Gayon na ito noon pa man. …
Tunay nating minamahal at pinagmamalasakitan ang lahat ng kapwa natin, naniniwala man sila o hindi sa mga pinaniniwalaan natin. …
… May mga pagkakataon na ang pagiging tagapamayapa ay pagpipigil na sumagot at sa halip ay manatiling tahimik nang may dignidad. …
… Ang malungkot, hindi lahat ay mananatiling matibay sa pagmamahal nila sa Tagapagligtas at sa determinasyon nilang sundin ang Kanyang mga utos. …
Tayo man ay makakalayo sa mga pagtatalo at mapagpapala ang buhay ng iba habang patuloy pa ring nakikisalamuha sa mga tao. …
Nawa’y mahalin natin Siya at ang isa’t isa. Nawa’y maging mga tagapamayapa tayo, nang tayo’y matawag na “mga anak ng Diyos.”