2022
Gawin ang Pinakamahalaga
Mayo 2022


“Gawin ang Pinakamahalaga,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.

Sesyon ng Kababaihan

Gawin ang Pinakamahalaga

Mga Sipi

data-poster ng dartboard

I-download ang PDF

Ang pagiging disipulo ni Jesucristo ay higit pa sa pag-asam o paniniwala. Kailangan dito ang pagsisikap, pagkilos, at pagiging tapat sa pangako. Mayroon itong ipinagagawa sa atin. …

Sa mga pagsisikap nating gumawa ng isang bagay o gumawa ng anuman, maaari nating itanong sa ating sarili, “Ano ang pinakamahalaga?” …

  • Kung ilang “like” ang nakukuha natin sa ating mga social media post? O kung gaano tayo kamahal at pinahahalagahan ng ating Ama sa Langit?

  • Ang pagsusuot ng uso na pananamit? O ang paggalang sa ating katawan sa pamamagitan ng pagsusuot ng disenteng damit?

  • Ang paghahanap ng mga sagot sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa internet? O ang pagtanggap ng mga sagot mula sa Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo?

  • Ang maghangad pa ng iba? O ang makuntento sa kung ano ang ibinigay sa atin? …

… Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay ebanghelyo ng pagkilos at ebanghelyo ng kagalakan! Huwag nating maliitin ang kakayahan nating gawin ang mga bagay na pinakamahalaga. Ang ating banal na pamana ang nagbibigay sa atin ng lakas-ng-loob at kumpiyansa na [gumawa] at maging tulad tayo ng alam ng ating mapagmahal na Ama sa Langit na kaya nating marating. …

… At hindi ito tungkol sa paggawa ng iba pa. Tungkol ito sa paggawa ng mahalaga. Ito ay paggamit ng doktrina ni Cristo sa ating buhay habang nagsisikap tayong maging katulad Niya. …

Kapag itinutok natin ang ating buhay kay Jesucristo, gagabayan tayong gawin ang pinakamahalaga. At bibiyayaan tayo ng espirituwal na lakas, kasiyahan, at galak!