“Subalit Hindi Namin Sila Pinansin,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.
Sesyon sa Sabado ng Umaga
Subalit Hindi Namin Sila Pinansin (1 Nephi 8:33)
Mga Sipi
Ang salitang pansinin ay nagpapahiwatig ng pagpuna o pakikinig sa isang tao o bagay. …
Ang doktrina ni Cristo na isinulat “ng Espiritu ng Diyos na buhay … sa mga tapyas ng [ating puso]” [2 Corinto 3:3] ay nagpapaibayo sa ating kakayahang “hindi pansinin” ang maraming gambala, panunuya, at libangan sa ating nahulog na mundo. …
Ang pagsasabuhay at pagmamahal sa mga pangako sa tipan ay lumilikha ng koneksyon sa Panginoon na lubhang personal at espirituwal na makapangyarihan. …
Ang koneksyon ng ating tipan sa Diyos at kay Jesucristo ang nagsisilbing daluyan upang magkaroon tayo ng kakayahan at lakas na “hindi pansinin [ang mundo].” At tumitibay ang bigkis na ito habang patuloy tayong humahawak nang mahigpit sa gabay na bakal. …
Iminumungkahi ko na kinakailangan sa paghawak nang mahigpit sa salita ng Diyos na (1) tandaan, igalang, at palakasin ang personal na koneksyon natin sa Tagapagligtas at sa Kanyang Ama sa pamamagitan ng mga tipan at ordenansa ng ipinanumbalik na ebanghelyo, at (2) mapanalangin, masigasig, at patuloy na gamitin ang mga banal na kasulatan at ang mga turo ng mga buhay na propeta at apostol bilang mga tunay na pinagmumulan ng inihayag na katotohanan. …
Magpatuloy. Humawak nang mahigpit. Huwag pansinin ang mundo.
Pinatototohanan ko na ang pagiging tapat sa mga tipan at ordenansa ng ipinanumbalik na ebanghelyo ng Tagapagligtas ay nagbibigay-kakayahan sa atin na magpatuloy sa gawain ng Panginoon, humawak nang mahigpit sa Kanya bilang Salita ng Diyos, at hindi pansinin ang mga tukso ng kaaway.