2022
Namamangha kay Cristo at sa Kanyang Ebanghelyo
Mayo 2022


“Namamangha kay Cristo at sa Kanyang Ebanghelyo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.

Sesyon sa Linggo ng Hapon

Namamangha kay Cristo at sa Kanyang Ebanghelyo

Mga Sipi

data-poster ni Jesucristo

I-download ang PDF

Napagnilayan ko kung gaano kalaki ang espirituwal na pagkamangha na maaari at dapat nating madama para sa ebanghelyo ni Jesucristo at ang kaibhang magagawa nito sa ating pagkadisipulo at sa ating paglalakbay tungo sa buhay na walang hanggan. …

… Pinakamahalaga sa ating pagsisikap sa buhay na ito, mangyari pa, ay ang dalawang dakilang utos, mahalin ang ating Panginoong Diyos at mahalin ang ating kapwa tulad ng ating sarili. …

… Samakatwid, kapag tapat at tunay nating itinutuon ang ating sarili sa Kanya at natututo mula sa Kanyang perpektong halimbawa, mas nakikilala natin Siya. Lalo tayong nananabik at nagnanais na ipamuhay ang pinakamataas na pamantayan, ang halimbawang dapat nating ipakita, at ang mga kautusang dapat nating sundin. …

Mahal kong mga kaibigan, lahat ng bagay na ito ay nagpapalakas sa ating espirituwal na pagkamangha hinggil sa ebanghelyo at naghihimok sa atin na masayang tuparin ang mga tipang ginagawa natin sa Panginoon—kahit sa gitna ng mga pagsubok at hamon na nararanasan natin. …

… Dalangin ko na patuloy tayong mamamangha kay Jesucristo at sa Kanyang ganap, walang hanggan, at perpektong pagmamahal. Nawa’y ang pag-alala sa nakita ng ating mga mata at ang nadama ng ating mga puso ay magdagdag ng pagkamangha sa nagbabayad-salang sakripisyo ng Tagpagligtas, na makapagpapagaling sa sugat ng ating kaluluwa at damdamin at tutulungan tayo na mas mapalapit sa Kanya.