“Ang Paglilingkod Bilang Missionary ay Nagpala sa Buhay Ko Magpakailanman,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.
Sesyon sa Sabado ng Umaga
Ang Paglilingkod Bilang Missionary ay Nagpala sa Buhay Ko Magpakailanman
Mga Sipi
Sa paggunita ko sa nakaraan sa buhay ko, nakakita ako ng ilang karanasan na nakagawa ng malaking pagbabago. Ang isa sa mga karanasang iyon ay kung paano nagpala sa buhay ko at humubog sa espirituwal na tadhana ko ang aking paglilingkod bilang full-time missionary sa England noong binata ako. …
Ang paglilingkod ko sa misyon ay naghanda sa akin na maging mas mabuting asawa at ama at magtagumpay sa negosyo. Inihanda rin ako nito para sa habambuhay na paglilingkod sa Panginoon sa Kanyang Simbahan. …
Kilala kayo ng Panginoon. Habang naglilingkod kayo sa inyong misyon, magkakaroon kayo ng mga karanasang tutulong sa inyo na mas makilala pa Siya. …
Bilang Apostol ng Panginoong Jesucristo, nananawagan ako ngayon sa inyo na mga kabataang lalaki—at sa mga kabataang babae na nagnanais na magmisyon—na magsimula na ngayong kausapin ang inyong mga magulang tungkol sa pagmimisyon. Inaanyahan ko rin kayong kausapin ang inyong mga kaibigan tungkol sa pagmimisyon, at kung hindi sigurado ang isa sa inyong mga kaibigan tungkol sa paglilingkod, hikayatin siyang kausapin ang kanilang bishop.
Ipangako sa sarili ninyo at sa inyong Ama sa Langit na magmimisyon kayo at na mula ngayon ay magsisikap kayong panatilihing malinis at karapat-dapat ang inyong mga puso, kamay, at isipan. Inaanyayahan ko kayong magkaroon ng matibay na patotoo tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo. …
Dalangin ko na makita at malaman ninyong mga binata’t dalaga at ng inyong mga magulang kung paano mapagpapala ng paglilingkod bilang missionary ang inyong buhay magpakailanman.