“Ngayon ang Panahon,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.
Sesyon sa Linggo ng Hapon
Ngayon ang Panahon
Mga Sipi
Laging walang katiyakan ang hinaharap. Nagbabago ang klima. Pabagu-bago ang ekonomiya. Ang mga kalamidad, digmaan, aksidente, at karamdaman ay maaaring mabilis na magpabago ng buhay. Ang mga pangyayaring ito ay hindi natin kontrolado. Ngunit may mga bagay na kaya nating kontrolin, kabilang ang paraan kung paano natin ginagamit ang ating oras bawat araw. …
Oo, dapat tayong matuto mula sa nakaraan, at oo, dapat tayong maghanda para sa hinaharap. Ngunit tanging ngayon lang tayo makakakilos. Ngayon ang panahon para matuto tayo. Ngayon ang panahon para makapagsisi tayo. Ngayon ang panahon para mapagpala natin ang iba at “[mai]taas ang mga kamay na nakababa” [Mga Hebreo 12:12]. …
… Inuulit ko ang pakiusap ko kaninang umaga na gawin ang mga bagay na magdaragdag sa inyong positibong espirituwal na pagsulong, ang pag-angat na iyon na tinalakay ni Elder Dieter F. Uchtdorf, na tutulong sa inyo na patuloy na sumulong anuman ang dumating na mga hamon at oportunidad.
Nadaragdagan ang positibong espirituwal na pagsulong kapag sumasamba tayo sa templo at lumalago sa pag-unawa sa kamangha-manghang lawak at lalim ng mga biyayang natatanggap natin doon. Nakikiusap ako sa inyo na labanan ang mga paraan ng mundo sa pamamagitan ng pagtutuon sa walang hanggang mga biyaya ng templo. …
Mahal ko kayo, mga kapatid ko. Higit sa lahat, mahal kayo ng Panginoon. Siya ang inyong Tagapagligtas at Manunubos. Pinamumunuan at ginagabayan Niya ang Kanyang Simbahan. Nawa’y maging karapat-dapat tayo sa Panginoon, na nagsabing, “Kayo’y magiging aking bayan, at ako’y magiging inyong Diyos” [Jeremias 30:22].