2022
Ang Ating Kaugnayan sa Diyos
Mayo 2022


“Ang Ating Kaugnayan sa Diyos,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.

Sesyon sa Linggo ng Umaga

Ang Ating Kaugnayan sa Diyos

Mga Sipi

data-poster ng mga kamay na nagdarasal

I-download ang PDF

Hindi natin dapat ituring ang plano ng Diyos na parang vending machine kung saan (1) pipili lang tayo ng gusto nating pagpapala, (2) ibibigay ang kailangang dami ng mabubuting gawa, at (3) kaagad nang darating ang hinihinging biyaya. …

Ang ating pagsisisi at pagsunod, ang ating paglilingkod at mga sakripisyo ay talagang mahalaga. Nais nating mapabilang sa mga inilarawan ni Eter na “nananagana sa tuwina sa mabubuting gawa” [Eter 12:4]. Ngunit iyan ay hindi dahil lang sa gusto nating mailagay ito sa talaan ng langit. Mahalaga ang mga bagay na ito dahil ginagawa tayong kabahagi nito sa gawain ng Diyos at siyang paraan upang makipagtulungan tayo sa Kanya sa sarili nating pagbabago mula sa pagiging likas na tao hanggang sa pagiging banal. Ang inaalok sa atin ng ating Ama sa Langit ay ang Kanyang sarili at ang Kanyang Anak, isang malapit at matibay na kaugnayan sa Kanila na posible dahil sa biyaya at pamamagitan ni Jesucristo, na ating Manunubos.

… Ang ating Ama ay handang gabayan ang bawat isa sa atin sa Kanyang landas ng tipan na may mga hakbang na nilayon para sa ating kani-kanyang pangangailangan at iniakma sa Kanyang plano para sa ating lubos na kaligayahan sa piling Niya. …

Sa kabila nito, hindi magiging madali ang landas na ito para sa sinuman sa atin. Napakaraming pagdadalisay na kailangan upang maging madali ito. …

Kaya, sa gitna ng apoy ng mandadalisay na ito, sa halip na magalit sa Diyos, maging malapit sa Diyos. Magsumamo sa Ama sa ngalan ng Anak. Lumakad na kasama Nila sa pamamagitan ng Espiritu, araw-araw. Tulutan Silang maipakita sa paglipas ng panahon ang Kanilang katapatan sa inyo. Kilalanin Silang mabuti at kilalaning mabuti ang inyong sarili. Hayaang manaig ang Diyos.