“Bawat Isa sa Atin ay May Kuwento,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.
Sesyon sa Sabado ng Hapon
Bawat Isa sa Atin ay May Kuwento
Mga Sipi
Mga kaibigan, mga kapatid, bawat isa sa atin ay may kuwento. Habang natutuklasan natin ang ating kasaysayan, tayo ay nakokonekta bilang pamilya, napapabilang sa pamilya, at nagiging pamilya tayo. …
Alam ba ninyo ang inyong kwento? …
… Ikonekta ang inyong buhay na alaala ng mga pangalan ng pamilya sa 10 bilyong pangalan na mahahanap sa FamilySearch ngayon sa koleksyon nito online at sa 1.3 bilyong indibiduwal sa Family Tree nito. …
… Pinararangalan namin ang aming mga ninuno sa pagbubukas ng kalangitan sa pamamagitan ng gawain sa templo at family history at sa pagiging isang kawing sa tanikala ng aming mga henerasyon. …
Ang pagkonekta sa ating mga ninuno ay maaaring magpabago ng ating buhay sa mga di-inaasahang paraan. Mula sa kanilang mga pagsubok at tagumpay, nagtatamo tayo ng pananampalataya at lakas. Mula sa kanilang pagmamahal at mga sakripisyo, natututo tayong magpatawad at patuloy na sumulong. …
… Sa di-makasariling paglilingkod sa templo para sa mga mahal sa buhay, nagkakaroon ng epekto ang Pagbabayad-sala ng ating Tagapagligtas sa kanila at sa atin. Dahil napabanal, makababalik tayo sa kinaroroonan ng Diyos bilang mga pamilyang nagkakaisa magpakailanman. …
Ano ang magagawa natin ngayon? …
… Tipunin ang kanilang mga retrato at mga kuwento; gawing buhay ang kanilang mga alaala. Itala ang kanilang mga pangalan, karanasan, mahahalagang petsa. Pamilya ninyo sila—ang pamilyang mayroon kayo at ang pamilyang gusto ninyo. …
Pangalawa, planuhin at gawing natural ang paggawa ng family history. …
Pangatlo, bumisita sa FamilySearch.org. I-download ang naroong mga mobile app. …
Pang-apat, tumulong na pag-isahin ang mga pamilya magpakailanman. …
Bawat isa sa atin ay may kuwento. Halina’t tuklasin ang sa inyo. Hanapin ang inyong tinig, inyong awit, inyong pakikiisa sa Kanya.