“Tayo ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.
Sesyon sa Sabado ng Umaga
Tayo ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw
Mga Sipi
Matapos matanggap ang paanyayang “pumarito at tingnan” [Juan 1:46], dumalo ako sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa unang pagkakataon sa edad na 26. Kahihiwalay ko lang noon sa una kong asawa. Mayroon akong tatlong-taong-gulang na anak na lalaki. At nanghihina ako noon sa takot. Pagpasok ko sa gusali, napuspos ako ng sigla nang madama ko ang pananampalataya at galak ng mga taong nakapaligid sa akin. …
Mga kapwa ko disipulo ni Cristo, huwag nating maliitin ang kamangha-manghang gawaing ginagawa ng Panginoon sa pamamagitan natin, na Kanyang Simbahan, sa kabila ng ating mga pagkukulang. Kung minsa’y tayo ang nagbibigay at kung minsa’y tayo ang tumatanggap, ngunit isang pamilya tayong lahat kay Cristo. …
… Ang Simbahan ay higit pa sa mga gusali at istruktura sa pamumuno; ang Simbahan ay tayo, ang mga miyembro. Tayo ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, na si Cristo ang pinuno at ang propeta ang Kanyang tagapagsalita. …
Ang dapat na maging layunin natin sa Kanyang kaharian ay ang dalhin ang isa’t isa kay Cristo. …
Mula sa maliit na batang lalaki na nagbabayad ng ikapu nang may pananampalataya, isang nag-iisang ina na nangangailangan ng nagpapalakas na biyaya ng Panginoon, isang ama na nahihirapang tustusan ang kanyang pamilya, sa ating mga ninuno na nangangailangan ng mga ordenansa ng kaligtasan at kaluwalhatian, hanggang sa bawat isa sa atin na nagpapanibago ng mga tipan sa Diyos bawat linggo, kailangan natin ang isa’t isa, at madadala natin ang isa’t isa sa tumutubos na pagpapagaling ng Tagapagligtas.