“Huwag Kang Matakot: Sumampalataya Ka Lamang!,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.
Sesyon sa Sabado ng Hapon
Huwag Kang Matakot: Sumampalataya Ka Lamang!
Mga Sipi
Dahil sa ating kasalukuyang panahon, nauunawaan natin kung nababawasan nang kaunti ang ideyalismo ng mga kabataan. …
Ang pakiusap ko ngayon sa ating mga kabataan, at sa inyong mga magulang at adult na nagpapayo sa kanila, ay simulan ang inyong paghahanap ng kaligayahan sa pamamagitan ng pasasalamat sa mga biyaya na natanggap na natin mula sa nagbibigay ng bawat mabuting kaloob. Sa mismong sandali na nagtatanong ang maraming tao sa mundo ng mahihirap na tanong tungkol sa mga bagay na espirituwal, dapat na ang isasagot natin ay ang “mabuting balita” ng ebanghelyo ni Jesucristo. Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, na nagpapahalaga sa misyon at mensahe ng Tagapagligtas ng sanlibutan, ay nagbibigay ng paraan na pinakamahalaga at pang-walang hanggan upang makahanap ng mabuti at gumawa ng mabuti sa panahong iyon na kinakailangan. …
Sa sinuman sa ating mga kabataan na nahihirapan, anuman ang inyong mga alalahanin o paghihirap, hindi sagot ang pagpapakamatay. Hindi nito maiibsan ang sakit na nararamdaman ninyo o iniisip ninyong naidudulot ninyo. Sa mundong nangangailangan ng lahat ng liwanag na makukuha nito, huwag sana ninyong balewalain ang walang-hanggang liwanag na itinimo ng Diyos sa inyong kaluluwa bago pa likhain ang daigdig na ito. Makipag-usap sa isang tao. Humingi ng tulong. Huwag ninyong kitlin ang buhay na pinag-alayan ni Cristo ng Kanyang buhay upang maligtas. Makakayanan ninyo ang mga paghihirap sa buhay na ito dahil tutulungan namin kayong makayanan ang mga ito. Mas malakas kayo kaysa inaakala ninyo. Ang tulong ay makukuha, mula sa iba at lalo na sa Diyos. Kayo ay minamahal at pinahahalagahan at kailangan. Kailangan namin kayo! “Huwag kang matakot: sumampalataya ka lamang.” …
… Napakaraming dahilan para magalak tayo. Magkakasama tayo, at kasama natin Siya. Huwag ninyong ipagkait sa amin ang pagkakataong makasama kayo.