2022
Matatag sa mga Unos
Mayo 2022


“Matatag sa mga Unos,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.

Sesyon sa Sabado ng Umaga

Matatag sa mga Unos

Mga Sipi

data-poster ng isang parola

I-download ang PDF

Para sa atin na nag-aalala para sa ating sarili at sa ating mga mahal sa buhay, may pag-asa sa pangako ng Diyos tungkol sa isang ligtas na lugar laban sa mga unos na parating. …

Ang mga propesiya ni Haring Benjamin ay angkop sa atin sa ating panahon. …

Inanyayahan niya ang kanyang mga tao at tayo na sumandig sa tanging tiyak na bato ng kaligtasan, ang Tagapagligtas. Nilinaw niya na malaya tayong pumili sa pagitan ng tama at mali at na hindi natin maiiwasan ang mga bunga ng ating mga pagpili. …

Nagbabago ang ating likas na pagkatao at nagiging tulad sa isang batang munti, masunurin sa Diyos at mas mapagmahal. Ang pagbabagong iyan ang magpapagindapat sa atin na matamasa ang mga kaloob na dumarating sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ang pagkakaroon ng patnubay ng Espiritu ay papanatagin, gagabayan, at palalakasin tayo. …

Kapag dumarating ang mga unos sa buhay, maaari kayong maging matatag dahil nakatayo kayo sa bato ng inyong pananampalataya kay Jesucristo. Ang pananampalatayang iyan ay aakay sa inyo na magsisi araw-araw at patuloy na tuparin ang mga tipan. Pagkatapos ay lagi ninyo Siyang maaalaala. At sa paghagupit ng mga unos ng pagkamuhi at kasamaan, madarama ninyo na matatag at may pag-asa kayo. …

… Tulad ng isang maamo at mapagmahal na bata, tanggapin ang Kanyang tulong. Gawin at tuparin ang mga tipang Kanyang inaalok sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Palalakasin kayo ng mga ito. Alam ng Tagapagligtas ang mga unos at ang ligtas na daan pauwi sa Kanya at sa ating Ama sa Langit. Alam Niya ang daan. Siya ang Daan.