2022
Buong Puso Natin
Mayo 2022


“Buong Puso Natin,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.

Sesyon sa Linggo ng Hapon

Buong Puso Natin

Mga Sipi

data-poster ng mga kusing ng balo

I-download ang PDF

Ang pagiging disipulo ni Jesucristo ay hindi lamang isa sa maraming bagay na ginagawa natin. Ang Tagapagligtas ang lakas na naghihikayat sa atin sa lahat ng ginagawa natin. …

At paano naman ang maraming gawain at responsibilidad na pinagkakaabalahan natin sa buhay? …

“Batid ng inyong Ama sa langit na kailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.

“Ngunit hanapin muna ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo” [3 Nephi 13:32–33; tingnan din sa Mateo 6:32–33].

Ngunit hindi nangangahulugang madali ito. Nangangailangan ito ng sakripisyo at paglalaan.

Kinakailangang talikuran ang ilang bagay at pagtuunan ang iba pang mga bagay.

… Ang ibig sabihin ng magsakripisyo ay isuko ang isang bagay kapalit ng isang bagay na mas mahalaga. …

Ang paglalaan ay naiiba sa sakripisyo kahit paano sa isang mahalagang paraan. Kapag inilalaan natin ang isang bagay, hindi natin ito iniiwan para matupok sa ibabaw ng dambana. Sa halip, ginagamit natin ito sa paglilingkod sa Panginoon. Inilalaan natin ito sa Kanya at sa Kanyang banal na mga layunin. …

Kapag sinusuri natin ang ating buhay at nakikitang napakarami pa nating dapat gawin, tayo ay napanghihinaan ng loob. Kapag tinitingnan natin ang isang bagay—ang pagmamahal at paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang mga anak, sa maraming iba’t ibang paraan—magagawa natin ang mga bagay na iyon nang may kagalakan.

Sa ganitong paraan natin maiaalay ang ating buong kaluluwa—sa pagsasakripisyo ng anumang bagay na humahadlang sa atin at paglalaan ng iba pa sa Panginoon at sa Kanyang mga layunin.