2022
Ang mga Tipan sa Diyos ay Nagpapalakas, Nagpoprotekta, at Naghahanda sa Atin para sa Walang-Hanggang Kaluwalhatian
Mayo 2022


“Ang mga Tipan sa Diyos ay Nagpapalakas, Nagpoprotekta, at Naghahanda sa Atin para sa Walang Hanggang Kaluwalhatian,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.

Sesyon ng Kababaihan

Ang mga Tipan sa Diyos ay Nagpapalakas, Nagpoprotekta, at Naghahanda sa Atin para sa Walang-Hanggang Kaluwalhatian

Mga Sipi

data-poster ng rock climber

I-download ang PDF

Naranasan na ba ninyong tumayo sa gilid ng isang mataas na talampas na nasa bingit ng bangin ang inyong mga daliri sa paa at nakatalikod kayo sa bangin? Sa rappeling, kahit nakatali kayo nang husto sa matitibay na lubid at kagamitan na maaaring magbaba sa inyo nang ligtas, talagang nakakakaba pa ring tumayo sa bingit nito. Ang pag-atras mula sa gilid ng talampas at pag-indayog sa hangin ay nangangailangan ng tiwala sa isang angklang nakakabit sa isang bagay na hindi natitinag. Kailangang may tiwala kayo sa taong may hawak sa lubid habang pababa kayo. …

Ang espirituwal na kagamitan na pumipigil sa atin para hindi mahulog sa batuhan ng paghihirap ay ang ating patotoo kay Jesucristo at ang mga tipang ginagawa natin. Maaasahan natin na gagabayan at dadalhin tayo ng mga suportang ito tungo sa kaligtasan. Bilang ating handang katuwang, hindi pahihintulutan ng Tagapagligtas na bumagsak tayo nang hindi Niya tayo nasasalo. …

Wala nang mas mahalaga pa sa ating walang-hanggang pag-unlad kundi ang tuparin ang ating mga tipan sa Diyos. …

Pinatototohanan ko na kapag pinili nating makipagtipan sa Ama sa Langit at ginamit natin ang kapangyarihan ng Tagapagligtas para tuparin ang mga ito, bibiyayaan tayo ng kaligayahan sa buhay na ito na higit pa sa naiisip natin ngayon at ng maluwalhating buhay na walang hanggan sa hinaharap.