2022
Pinagagaling ni Cristo ang Nawasak
Mayo 2022


“Pinagagaling ni Cristo ang Nawasak,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.

Sesyon sa Linggo ng Umaga

Pinagagaling ni Cristo ang Nawasak

Mga Sipi

data-poster ni Jesucristo na yakap ang isang lalaki

I-download ang PDF

Larawang kuha ni Mark Mabry

Marami tayong matututuhan mula sa mga banal na kasulatan tungkol sa kung paano tayo tutulungan ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo na matagumpay na harapin ang mga bagay na nawasak sa ating buhay, anuman ang edad natin. …

Habang nagtuturo ang Tagapagligtas sa templo, isang babae ang dinala sa Kanya ng mga eskriba at Fariseo. Hindi natin alam ang buong kuwento niya, ang alam lang natin ay “nahuli [siya] sa akto ng pangangalunya.” [Juan 8:4]. …

Ang tugon ni Cristo sa minamahal na anak na ito ng Diyos ay “Hindi rin kita hinahatulan. Humayo ka na at mula ngayo’y huwag ka nang magkasala.” [Juan 8:11]. Ang isa pang paraan ng pagsasabi ng “humayo ka na, at mula ngayo’y huwag ka nang magkasala” ay maaaring “humayo ka na at mula ngayo’y magbago.” Inanyayahan siya ng Tagapagligtas na magsisi. …

Itinuturo sa atin ng Panginoon na ang pagpapatawad sa kapwa ay utos sa lahat ng tao, “Ako, ang Panginoon, ay magpapatawad sa yaong aking patatawarin, subalit kayo ay kinakailangang magpatawad sa lahat ng tao” [Doktrina at mga Tipan 64:10]. …

Kadalasan sa buong buhay natin maaari nating matagpuan ang ating sarili, tulad ng pulubing lumpo sa pintuan ng templo, na matiyaga—o kung minsan ay naiinip na—na “naghihintay sa Panginoon” [Isaias 40:31]. …

Ang ibig sabihin ng manampalataya kay Cristo ay pagtitiwala hindi lamang sa kalooban ng Diyos kundi maging sa Kanyang takdang panahon. Dahil nalalaman Niya kung ano mismo ang kailangan natin at kung kailan mismo natin ito kailangan. …

… walang anuman sa inyong buhay na nawasak na hindi mahihilom ng nakapagpapagaling, tumutubos, at nagbibigay-kakayahang kapangyarihan ni Jesucristo.