2022
Banal na Pagmamahal sa Plano ng Ama
Mayo 2022


“Banal na Pagmamahal sa Plano ng Ama,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.

Sesyon sa Linggo ng Hapon

Banal na Pagmamahal sa Plano ng Ama

Mga Sipi

data-poster ng mga bundok na abot hanggang mga ulap

I-download ang PDF

Sa ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, kakaiba ang ating pag-unawa sa plano ng ating Ama sa Langit. Binibigyan tayo nito ng kakaibang pananaw sa layunin ng mortal na buhay, sa banal na paghuhukom na kasunod nito, at sa maluwalhating tadhana sa huli ng lahat ng anak ng Diyos. …

… Itinuturo ng inihayag na doktrina ng ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo na lahat ng anak ng Diyos—na may mga eksepsyon na masyadong limitado para isaalang-alang dito—ay mapupunta sa isang kaharian ng kaluwalhatian. …

… Ang pinakamataas sa mga ito ay ang kadakilaan sa kahariang selestiyal, kung saan maaari tayong maging katulad ng ating Ama at ng Kanyang Anak na si Jesucristo. …

… Ang misyon ng ipinanumbalik na Simbahan ay tulungan ang lahat ng anak ng Diyos na maging marapat sa nais ng Diyos na patunguhan nila sa huli. …

Mahalaga sa atin ang paghahayag ng Diyos na ang kadakilaan ay makakamit lamang sa katapatan sa mga tipan ng walang-hanggang kasal ng isang lalaki at ng isang babae. Ang banal na doktrinang iyan ang dahilan kung kaya’t itinuturo natin na ang “kasarian ay isang mahalagang katangian ng pagkakakilanlan at layunin ng isang tao sa kanyang buhay bago pa ang buhay niya sa mundo, sa buhay niyang mortal, at sa walang hanggan” [“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” SimbahanniJesucristo.org]. …

… Pinagtitibay namin na ang pagpapahayag sa pamilya, na nakabatay sa hindi mababagong doktrina, ay naglalarawan sa uri ng mga ugnayan ng pamilya kung saan nangyayari ang pinakamahalagang bahagi ng ating walang-hanggang pag-unlad. …

… Kailangang sikapin nating ibahagi sa iba ang mga katotohanang ito ng kawalang-hanggan. Ngunit dahil mahal natin ang lahat ng ating kapwa, palagi nating tinatanggap ang kanilang mga desisyon. Tulad ng itinuro ng propeta sa Aklat ni Mormon, kailangan tayong patuloy na sumulong, na may “pag-ibig sa Diyos at sa lahat ng tao” [2 Nephi 31:20].