“Ang Inyong Banal na Katangian at Walang Hanggang Tadhana,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.
Sesyon ng Kababaihan
Ang Inyong Banal na Katangian at Walang Hanggang Tadhana
Mga Sipi
Ang malalim na doktrinang itinuturo sa tema ng Young Women ay mahalaga para sa mga kabataang babae, ngunit angkop ito sa lahat. …
… Una, kayo ay minamahal na anak na babae. Wala kayong anumang ginagawa—o hindi ginagawa—na makakapagpabago niyan. Mahal kayo ng Diyos. …
Ang pangalawang katotohanan ay na mayroon tayong mga magulang sa langit, isang ama at isang ina. …
Ang pangatlong katotohanan sa pambungad na talata ng tema ng Young Women ay na tayo ay may “banal na katangian.” Ito ay mahalagang bahagi ng ating pagkatao. Ito ay “genetic” sa espirituwal na aspekto na minana natin sa ating mga magulang sa langit. …
Ang pang-apat na katotohanan ay na tayo ay may “walang hanggang tadhana.” …
… Malaya tayong pumili, ngunit hindi natin mapipili ang mga kahihinatnan ng hindi pagsunod sa inihayag na landas. …
Kapag taos-puso tayong nagsisisi, walang maiiwang espirituwal na pilat, anuman ang nagawa natin, gaano man ito kabigat, o ilang beses man natin itong inulit. Sa tuwing nagsisisi tayo at humihingi ng kapatawaran nang may tunay na layunin, mapapatawad tayo. …
… Ang lakas ay nagmumula sa pananampalataya kay Jesucristo at sa paggawa ng mga sagradong tipan.
… Habang tinutupad natin ang ating mga tipan, tumatanggap tayo ng kapangyarihan ng Diyos sa ating buhay.
… Nais ng ating Ama sa Langit na maging tagapagmana Niya kayo at matanggap ninyo ang lahat ng mayroon Siya. Wala na Siyang ibang maibibigay sa inyo. Wala na Siyang ibang maipapangako sa inyo. Mahal Niya kayo nang higit sa nalalaman ninyo at nais Niyang lumigaya kayo sa buhay na ito at sa buhay na darating.