2022
Pagbabalik-loob sa Kalooban ng Diyos
Mayo 2022


“Pagbabalik-loob sa Kalooban ng Diyos,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.

Sesyon sa Sabado ng Hapon

Pagbabalik-loob sa Kalooban ng Diyos

Mga Sipi

data-poster ng sipi sa speech bubble

I-download ang PDF

Sa mahabang panahon ng paglilingkod at mga espirituwal na karanasan, naunawaan ko na ang tunay na pagbabalik-loob ay resulta ng kusang pagtanggap sa kalooban ng Diyos at magagabayan tayo ng Espiritu Santo sa ating mga ginagawa. …

Ano ang mga obligasyon na resulta ng pagbabalik-loob? …

… Magiliw tayong inaanyayahan ng Panginoon na maging Kanyang tinig at Kanyang mga kamay. Ang pagmamahal ng Tagapagligtas ay magiging gumagabay na ilaw sa atin. Itinuro ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo, “Kaya’t sa paghayo ninyo, gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa” [Mateo 28:19]. At kay Joseph Smith, sinabi Niya, “Mangaral ng aking ebanghelyo sa lahat ng nilikha na hindi pa nakatatanggap nito.” [Doktrina at mga Tipan 112:28]. …

Para sa utos ng Tagapagligtas na ibahagi ang ebanghelyo, kailangan nating magbalik-loob sa kalooban ng Panginoon; dapat nating mahalin ang ating kapwa, ibahagi ang ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo, at anyayahan ang lahat na pumarito at alamin pa ang tungkol dito. …

Ang ating personal na pagbabalik-loob ay kinabibilangan ng responsibilidad na ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa mundo.

Ang mga biyaya ng pagbabahagi ng ebanghelyo ay kinabibilangan ng mas malalim na pagbabalik-loob sa kalooban ng Diyos at pagpayag na manaig ang Diyos sa ating buhay. Pinagpapala natin ang iba upang makaranas ng “malaking pagbabago” sa puso” [Alma 5:14]. Tunay na may walang-hanggang kaligayahan sa pagtulong na madala ang mga kaluluwa kay Cristo. Ang pagsisikap para sa pagbabalik-loob ng sarili at ng iba ay dakilang gawain.