2022
Upang Pagalingin ang Mundo
Mayo 2022


“Upang Pagalingin ang Mundo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2022.

Sesyon sa Linggo ng Umaga

Upang Pagalingin ang Mundo

Mga Sipi

data-poster ni Kapitan Moroni at ng bandila ng kalayaan

I-download ang PDF

Ano ang kalayaang panrelihiyon?

Ito ay kalayaang sumamba sa anumang paraan: kalayaang magtipon, kalayaang magsalita, kalayaang kumilos ayon sa personal na mga paniniwala, at kalayaang gawin din iyon ng iba. Ang kalayaang panrelihiyon ay nagtutulot sa bawat isa sa atin na magpasiya para sa ating sarili kung ano ang ating paniniwalaan, kung paano tayo namumuhay at kumikilos ayon sa ating pananampalataya, at kung ano ang inaasahan ng Diyos sa atin. …

Sa gitna ng kaguluhan noong 1842, naglathala si Joseph [Smith] ng 13 pangunahing paniniwala ng lumalaking Simbahan, kabilang ang isang ito: “Inaangkin namin ang natatanging karapatang sambahin ang Pinakamakapangyarihang Diyos alinsunod sa mga atas ng aming sariling budhi, at pinahihintulutan ang lahat ng tao ng gayon ding karapatan, hayaan silang sumamba, kung paano, kung saan, kung anuman ang ibig nila” [Mga Saligan ng Pananampalataya 1:11].

Ang Kanyang pahayag ay para sa lahat, mapagpalaya, at mapitagan. Iyan ang pinakadiwa ng kalayaang panrelihiyon. …

Pag-isipan natin ang apat na paraan na nakikinabang ang lipunan at mga indibiduwal sa kalayaang panrelihiyon.

Una. Iginagalang ng kalayaang panrelihiyon ang una at pangalawang dakilang kautusan, na inilalagay ang Diyos sa sentro ng ating buhay. …

Ikalawa. Ang kalayaang panrelihiyon ay naghihikayat ng mga pagpapahayag ng paniniwala, pag-asa, at kapayapaan. …

Ikatlo. Ang relihiyon ay naghihikayat sa mga tao na tumulong sa iba. …

At ikaapat. Ang kalayaan sa relihiyon ay nagsisilbing puwersa na nagkakaisa at nagsasama-sama ng mga tao para sa paghubog ng mga pamantayan at moralidad. …

Inaanyayahan ko kayong ipaglaban ang layunin ng kalayaang panrelihiyon. Ito ay pagpapamalas ng alituntunin ng kalayaang pumili na ibinigay ng Diyos.