Ano ang Totoo?
Mga Sipi
Simula sa kumperensya natin noong nakaraang Abril, marami na tayong nasaksihang kaganapan sa mundo; na may mga nakakalungkot at may mga kahanga-hanga.
Natutuwa kami sa mga ulat tungkol sa malalaking kumperensya ng mga kabataan na ginaganap sa buong mundo. …
Nagagalak tayo na marami pang mga templo ang itinatayo sa buong mundo. …
Ang pang-aabuso ay nagpapakita ng impluwensya ng kaaway. Ito ay isang mabigat na kasalanan. …
Ang kaaway ay may iba pang nakababahalang mga taktika. Kabilang sa mga ito ang mga pagsisikap niyang palabuin ang pagkakaiba sa pagitan ng totoo at hindi totoo. Ang pagdagsa ng impormasyon na madali nating makuha, sa kabaligtaran, ay lalong nagpapahirap na malaman kung ano ang totoo. …
… Gusto tayong paniwalain ng ilan na ang katotohanan ay depende sa tao o sitwasyon—na dapat tukuyin ng bawat tao sa sarili niya kung ano ang totoo. Ang gayong paniniwala ay pananaginip nang gising para sa mga taong may maling akala na hindi sila mananagot sa Diyos.
Minamahal kong mga kapatid, ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng katotohanan. Tinatanggap ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang lahat ng katotohanang ipinararating ng Diyos sa Kanyang mga anak, natutuhan man ito sa isang laboratoryo ng siyensya o natanggap sa pamamagitan ng tuwirang paghahayag mula sa Kanya.
Mula sa pulpitong ito ngayon at bukas patuloy kayong makaririnig ng katotohanan. Itala sana ninyo ang mga kaisipang nakakakuha ng inyong pansin at ang mga pumapasok sa inyong isipan at namamalagi sa inyong puso. Mapanalanging hilingin sa Panginoon na pagtibayin na ang narinig ninyo ay totoo.