Magtuon sa Templo
Mga Sipi
Minamahal kong mga kapatid, sa limang napakagandang sesyon ng pangkalahatang kumperensyang ito, nabuksan muli ang kalangitan sa atin! Dalangin ko na sana itinala ninyo ang mga pahiwatig sa inyo at sundin ang mga ito. Nakahandang tumulong sa inyo ang ating Ama sa Langit at ang Kanyang Pinakamamahal na Anak na si Jesucristo. Hinihikayat ko kayong dagdagan ang inyong mga pagsisikap na hingin ang Kanilang tulong.
Kamakailan lamang, nagkaroon kami ni Sister Nelson ng pagkakataong mapanood ang preview ng bagong season 4 ng Mga Video ng Aklat ni Mormon. Binigyang-inspirasyon kami ng mga ito! …
Makabuluhan na pinili ng Tagapagligtas na magpakita sa mga tao sa templo. Bahay Niya iyon. Puno iyon ng Kanyang kapangyarihan. Huwag nating kalimutan ang ginagawa ng Panginoon para sa atin ngayon. Pinadadali Niya ang pagpunta sa Kanyang mga templo. Pinabibilis Niya ang pagtatayo natin ng mga templo. Dinaragdagan Niya ang ating abilidad na tumulong sa pagtipon ng Israel. Ginagawa rin Niyang mas madali para sa bawat isa sa atin na maging dalisay sa espirituwal. Ipinapangako ko na ang mas madalas na pagpunta sa templo ay magpapala sa inyong buhay na hindi matatamo sa ibang paraan. …
Minamahal kong mga kapatid, nawa’y magtuon kayo sa templo sa mga paraang hindi pa ninyo nagagawa. Binabasbasan ko kayo na maging mas malapit sa Diyos at kay Jesucristo araw-araw. Mahal ko kayo. Patnubayan nawa kayo ng Diyos hanggang sa muli nating pagkikita, ang dalangin ko sa sagradong pangalan ni Jesucristo, amen.