2022
Maging Tapat sa Diyos at sa Kanyang Gawain—Mga Sipi
Nobyembre 2022


“Maging Tapat sa Diyos at sa Kanyang Gawain—Mga Sipi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2022.

Maging Tapat sa Diyos at sa Kanyang Gawain

Uruguay

sipi sa Cook data-poster

I-download ang PDF

Ang isa sa mga pinakamakabagbag-damdaming halimbawa sa mga banal na kasulatan ng mga pag-aalala … sa paghahangad na magkaroon ng patotoo sa gawain ng Diyos at kay Jesucristo ay nakasaad sa payo ni Alma sa kanyang tatlong anak—kina Helaman, Siblon, at Corianton. …

Ang unang alalahanin ni Alma … ay na bawat isa ay magkaroon ng patotoo tungkol kay Jesucristo at maging tapat sa Diyos at sa Kanyang gawain.

… Si Siblon ay matwid na tulad ng kapatid niyang si Helaman. Ang payo na nais kong bigyang-diin ay ang Alma 38:12, kung saan mababasa na, “[Tiyaking] pigilin ang lahat ng iyong silakbo ng damdamin, upang mapuspos ka ng pagmamahal.”

… Ang katawan ay hindi masama—maganda ito at mahalaga—ngunit ang ilang silakbo ng damdamin, kung hindi ginamit nang maayos at pinigilan sa wastong paraan, ay maaaring maghiwalay sa atin sa Diyos at sa Kanyang gawain at magkaroon ng masamang epekto sa ating patotoo. …

Bukod pa sa pagkontrol ng galit at pagpigil sa iba pang mga silakbo ng damdamin, kailangan tayong mamuhay nang dalisay na buhay na may moralidad sa pagkontrol ng ating isipan, pananalita, at kilos. …

Dahil nakagawa ng imoralidad si Corianton, kinailangan siyang turuan ni Alma tungkol sa pagsisisi. …

Kaya ipinayo ni Alma na pigilan ang mga silakbo ng damdamin, ngunit sa mga nakagawa ng paglabag, ang payo niya ay magsisi. …

Walang makakabalik sa Diyos sa sarili lamang niyang mabubuting gawa; kailangan nating lahat ang kapakinabangan ng sakripisyo ng Tagapagligtas. Lahat tayo ay nagkasala, at matatamo natin ang awa at makakapiling ang Diyos sa pamamagitan lamang ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.