2022
Sumunod kay Jesucristo nang May mga Yapak ng Pananampalataya— Mga Sipi
Nobyembre 2022


“Sumunod kay Jesucristo nang May mga Yapak ng Pananampalataya— Mga Sipi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2022.

Sumunod kay Jesucristo nang May mga Yapak ng Pananampalataya

Mga Sipi

sipi sa Ballard data-poster

I-download ang PDF

Mga kapatid, pinatototohanan ko na kapag sumusunod tayo kay Jesucristo nang may mga yapak ng pananampalataya, may pag-asa. May pag-asa sa Panginoong Jesucristo. May pag-asa para sa lahat sa buhay na ito. May pag-asa na madaig ang ating mga pagkakamali, kalungkutan, paghihirap, at pagsubok at problema. May pag-asa sa pagsisisi at na mapatawad at magpatawad sa iba. Pinatototohanan ko na may pag-asa at kapayapaan kay Cristo. Matutulungan Niya tayo ngayon sa mahihirap na panahon. Ginawa Niya ito sa mga naunang pioneer, at gagawin Niya ito ngayon para sa bawat isa sa atin. …

Kapag naiisip ko ang mga pioneer na naghanda ng daan para sa iba, una kong naiisip si Propetang Joseph Smith. …

Ang ating mga missionary ngayon ay mga makabagong pioneer dahil ibinabahagi nila ang maluwalhating mensaheng ito sa mga tao sa buong mundo, na nagbubukas ng daan para ang mga anak ng ating Ama sa Langit ay makilala Siya at ang Kanyang Anak na si Jesucristo. …

Si Pangulong Nelson ay isang pioneer ng Simbahan. …

Tinuturuan niya tayo kung paano maging mas self-reliant sa espirituwal. …

Ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo ang pinakadakilang pioneer sa paghahanda ng daan. Tunay na Siya nga “ang daan” [Juan 14:6] para maisakatuparan ang plano ng kaligtasan upang tayo ay makapagsisi at, sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya, ay makabalik sa ating Ama sa Langit. …

Nawa’y palagi nating sundan ang mga yapak ni Jesucristo at, nang may pananampalataya sa bawat hakbang, magtuon tayo sa Kanya, na ang ating mga paa ay matatag sa landas ng tipan.