“Isang Framework para sa Personal na Paghahayag—Mga Sipi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2021.
Isang Framework para sa Personal na Paghahayag
Mga Sipi
Kailangan nating maunawaan ang framework kung saan kumikilos ang Espiritu Santo para makapaglaan ng personal na paghahayag. …
Ang mga banal na kasulatan ang bumubuo sa unang elemento ng framework na ito para sa personal na paghahayag. Ang patuloy na pag-aaral sa mga salita ni Cristo, na matatagpuan sa mga banal na kasulatan, ay nagpapasigla sa personal na paghahayag. …
Ang pangalawang elemento ng framework ay na makatatanggap tayo ng personal na paghahayag para lamang sa mga aspetong sakop ng sarili nating responsibilidad, at hindi para sa iba. …
… Ang mga doktrina, kautusan, at paghahayag para sa Simbahan ay pribilehiyo ng buhay na propeta, na tumatanggap sa mga ito mula sa Panginoong Jesucristo. …
… Ang propeta lamang ang nakatatanggap ng paghahayag para sa Simbahan. …
Ang personal na paghahayag ay para sa mga indibiduwal. Makatatanggap kayo ng paghahayag, halimbawa, kung saan titira, kung anong trabaho ang kukunin, o kung sino ang pakakasalan. …
Ang pangatlong elemento ng framework ay na ang personal na paghahayag ay makakaayon sa mga utos ng Diyos at sa mga tipang nagawa natin sa Kanya. …
Kapag humingi tayo ng paghahayag tungkol sa isang bagay na nabigyang-linaw na ng Diyos, maaari tayong magkamali ng pagkaintindi sa ating nadarama at marinig natin ang gusto nating marinig. …
Ang pang-apat na elemento ng framework ay para mapansin ang naihayag na sa inyo ng Diyos nang personal, habang bukas kayo sa iba pang paghahayag mula sa Kanya. …
… Alam ko na maipapakita at ipapakita sa inyo ng Espiritu Santo ang lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.