“Ang Doktrina ng Pagiging Kabilang—Mga Sipi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2022.
Ang Doktrina ng Pagiging Kabilang
Mga Sipi
Gusto kong magsalita ngayon tungkol sa tinatawag kong doktrina ng pagiging kabilang sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. …
… Dahil nabigyan tayo ng pribilehiyong ito, hindi natin pahihintulutan ang anumang rasismo, pagtatangi sa lahi, o ibang pagkakahati-hati sa Simbahan ni Cristo sa mga huling araw. …
Ang maging kabilang ay mahalaga sa ating pisikal, mental, at espirituwal na kalusugan. Ngunit posible na may mga pagkakataong pakiramdam natin ay hindi tayo tanggap. …
Hayaan natin ang Panginoon at ang Kanyang mga inatasan ang humatol sa atin at maging kontento na mahalin at pakitunguhang mabuti ang isa’t isa sa abot ng ating makakaya. …
Ang pangalawang aspeto ng doktrina ng pagiging kabilang ay may kinalaman sa ating sariling mga kontribusyon. Bagama’t bihira nating isipin ito, karaniwang nagiging kabilang tayo dahil sa ating mga paglilingkod at sakripisyong ginagawa natin para sa iba at sa Panginoon. …
Ang huli at pinakamahalagang elemento ng doktrina ng pagiging kabilang ay ang mahalagang ginagampanan ni Jesucristo. Hindi tayo sumasapi sa Simbahan para sa pakikipagkaibigan lamang, bagama’t mahalaga rin iyan. Sumasapi tayo para maligtas sa pamamagitan ng pagmamahal at biyaya ni Jesucristo. Sumasapi tayo upang makamit ang mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan para sa ating sarili at sa mga taong mahal natin sa magkabilang panig ng tabing. Sumasapi tayo upang makibahagi sa malaking gawaing itatag ang Sion bilang paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon.