“Tumatagal na Pagkadisipulo—Mga Sipi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2022.
Tumatagal na Pagkadisipulo
Mga Sipi
Ang mga karanasan tulad ng mga FSY conference, camp, sacrament meeting, at misyon ay makatutulong para palakasin ang ating mga patotoo, inaakay tayo tungo sa ating pag-unlad at espirituwal na pagtuklas sa mga payapang lugar. Pero ano ang kailangan nating gawin para manatili doon at “magpatuloy sa paglakad nang may katatagan kay Cristo” (2 Nephi 31:20) sa halip na humina ulit ang ating patotoo? Kailangan nating patuloy na gawin ang mga bagay na naghatid sa atin doon, tulad ng madalas na pagdarasal, dibdibang pag-aaral ng banal na kasulatan, at tapat na paglilingkod. …
Sa FSY, ilang daang libo at higit pang mga kabataan natin ang mas nakakilala sa Tagapagligtas sa paggamit ng simpleng pormula ng pagsasama-sama kung saan ang dalawa o higit pa ay nagkatipon sa Kanyang pangalan (tingnan sa Mateo 18:20), nakikibahagi sa ebanghelyo at sa mga banal na kasulatan, nagkakantahan, sama-samang nagdarasal, at nagkakaroon ng kapayapaan kay Cristo. Ang paggawa nito ay makatutulong para madama ng tao ang Espiritu. …
Ang magigiting na kabataan ng Sion ay naglalakbay sa pambihirang panahon. Ang pagkakaroon ng kagalakan sa mundong ito na ipinropesiyang puno ng kaguluhan, nang hindi nagiging bahagi ng mundong iyon na hindi nagpapahalaga sa kabanalan, ang partikular na utos sa kanila. …
Alam ko na sa pagtitiwala sa Panginoong Jesucristo at sa Kanyang landas ng tipan, magkakaroon tayo ng espirituwal na kumpiyansa at kapayapaan habang nililinang natin ang mga banal na kaugalian at mabubuting gawain na makapagtataguyod at magpapaalab ng ating pananampalataya. Nawa’y lalo pa tayong lumapit sa maalab na apoy at, anuman ang mangyari ay manatili.