“Pagtulong sa mga Maralita at Naghihirap—Mga Sipi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2022.
Pagtulong sa mga Maralita at Naghihirap
Mga Sipi
Maraming gawaing pangkapakanan at pagkakawanggawa sa ating kapwa-tao ang itinuturo at isinasagawa ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at natin bilang mga miyembro nito. Halimbawa, nag-aayuno tayo sa simula ng bawat buwan at nag-aambag ng katumbas man lamang ng halaga ng pagkaing hindi kinain para makatulong sa mga nangangailangan sa sarili nating kongregasyon. Nagbibigay rin ng malalaking kontribusyon ang Simbahan para sa kawanggawa at sa iba pang mga paglilingkod sa buong mundo.
Sa kabila ng lahat ng tuwirang ginagawa ng ating Simbahan, karamihan sa pagkakawanggawa sa mga anak ng Diyos sa buong mundo ay isinasagawa ng mga tao at organisasyon na walang pormal na kaugnayan sa ating Simbahan. …
Ang Simbahan ni Jesucristo ay tapat na nangangakong maglilingkod sa mga nangangailangan, at tapat ding nangangakong makikipagtulungan sa iba sa pagsisikap na iyon. …
Itinuturo ng makabagong paghahayag na ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo “ang tunay na ilaw na nagbibigay-liwanag sa bawat tao na dumarating sa daigdig” [Doktrina at mga Tipan 93:2]. Dahil dito, lahat ng anak ng Diyos ay nagkakaroon ng inspirasyong paglingkuran Siya at ang isa’t isa sa abot ng kanilang kaalaman at kakayahan. …
… Dapat kilalanin ng mas marami sa atin ang mabuting ginawa ng iba at suportahan ito kung may panahon at kakayahan tayong gawin iyon. …
Pinatototohanan ko si Jesucristo, na ang liwanag at Espiritu ay ginagabayan ang lahat ng anak ng Diyos sa pagtulong sa mga maralita at naghihirap sa buong mundo.