2022
Maligaya Magpakailanman—Mga Sipi
Nobyembre 2022


“Maligaya Magpakailanman—Mga Sipi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2022.

Maligaya Magpakailanman

Mga Sipi

sipi sa Gong data-poster

I-download ang PDF

Ang tunay at tumatagal na kaligayahan at kawalang-hanggan kasama ang mga mahal natin sa buhay ang pinakadiwa ng plano ng kaligayahan ng Diyos. …

… Gayunman, walang perpekto sa atin, ni sa mga pamilya. …

… Napakalaki ng ating oportunidad at kaloob na makadiskubre ng bagong espirituwal na pang-unawa, pagmamahal, pagsisisi, at pagpapatawad sa bawat isa at sa ating mga pamilya, sa buhay na ito at sa walang hanggan. …

… Sa sentro ng plano ng pagtubos at kaligayahan ng Diyos, si Jesucristo, sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, ay nangangakong pagsasanibin ang ating espiritu at katawan, “hindi na kailanman maghihiwalay, upang [tayo] ay makatanggap ng ganap na kagalakan” [Doktrina at mga Tipan 138:17].

… Ang Pagbabayad-sala [Atonement]—[at-one-ment o pakikiisa kay Cristo]— … [ay] magdudulot ng pagkakasundo sa Kanya at sa bawat isa.

… Perpekto ang pagkakilala at pagmamahal sa atin ng Diyos. …

… [Kaya] sa daigdig ng mga espiritu, kahit ang mga nagkasala at lumabag ay may pagkakataong magsisi. …

… Binibigyan tayo ng Panginoon ng banal na pagkakataon na maging lalong katulad Niya sa paggawa natin ng nagliligtas na proxy na mga ordenansa sa templo na kailangan ng iba pero hindi nila magawa para sa sarili nila. …

… Mahirap ayusin ang ating mga relasyon at pagpapagaling ng ating puso, marahil ay imposible para sa atin kung mag-isa lang tayo. Pero mabibigyan tayo ng langit ng lakas at karunungan na higit sa kaya natin para malaman kung kailan magtitiis at paano pakakawalan ang isang bagay. …

… Nawa’y mas lumapit tayo sa ating Tagapagligtas sa banal na bahay ng Panginoon, at nawa’y mas mailapit Niya tayo sa Diyos at sa bawat isa habang ang ating mga puso ay nagkakaisa sa pagkahabag, katotohanan, at awa na ibinigay ni Cristo sa lahat ng ating henerasyon—sa buhay na ito at sa kawalang-hanggan, maligaya magpakailanman. Kay Jesucristo, ito ay posible; kay Jesucristo, ito ay totoo.