2022
Sa Araw na Ito—Mga Sipi
Nobyembre 2022


“Sa Araw na Ito—Mga Sipi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2022.

Sa Araw na Ito

Mga Sipi

sipi mula sa Rasband data-poster

I-download ang PDF

May hawak akong isang kopya ng Aklat ni Mormon. Ito ang aking antigong edisyon noon pang 1970, at mahalaga ito sa akin. Sa tingin ay luma at gamit na gamit ito, ngunit walang ibang aklat na kasinghalaga nito sa buhay ko at sa aking patotoo. Nang mabasa ko ito, natamo ko ang pagsaksi ng Espiritu na si Jesucristo ang Anak ng Diyos, na Siya ang aking Tagapagligtas, na ang mga banal na kasulatang ito ang salita ng Diyos, at na ang ebanghelyo ay ipinanumbalik. …

“Sa araw na ito,” ang isa sa pinakamahuhusay na missionary na nagmamahal sa Aklat ni Mormon ay si Pangulong Russell M. Nelson. …

… Nakapagbigay na siya ng mga kopya ng Aklat ni Mormon sa daan-daang tao, na laging nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo. …

Ginagawa ng ating buhay na propeta ang kanyang bahagi sa pagpapalaganap ng Aklat ni Mormon sa mundo. Ngunit hindi niya kayang gawin itong mag-isa. Kailangan nating tularan ang kanyang halimbawa. …

… Inaanyayahan ko kayo, sa araw na ito, na magbigay ng Aklat ni Mormon sa inyong mga kaibigan at kapamilya, sa inyong mga kasamahan sa trabaho, sa inyong soccer coach, o sa tindero sa inyong palengke. Kailangan nila ang mga salita ng Panginoon na matatagpuan sa aklat na ito. …

Pinatototohanan ko na ayon sa banal na plano ay inihanda ang Aklat ni Mormon sa sinaunang Amerika para lumabas at ipahayag ang salita ng Diyos, magdala ng mga kaluluwa sa Panginoong Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo “sa araw na ito.”