“Pamana ng Panghihikayat—Mga Sipi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2022.
Pamana ng Panghihikayat
Mga Sipi
Ang sabi sa akin ng nanay ko nang magreklamo ako kung gaano kahirap ang isang bagay, “Siyempre, Hal, mahirap ito. Kailangan itong maging ganito. Ang buhay ay isang pagsubok.”
Mahinahon niyang nasasabi iyan, nang nakangiti pa, dahil may dalawang bagay siyang alam. Anuman ang hirap na kakaharapin, ang pinakamahalaga ay makauwi sa tahanan sa piling ng kanyang Ama sa Langit. At alam niyang magagawa niya ito sa pamamagitan ng pagsampalataya sa kanyang Tagapagligtas. …
Ang pamana ng panghihikayat na iniwan niya para sa amin ay pinakamainam na nailarawan sa Moroni 7, kung saan hinihikayat ni Mormon ang kanyang anak na si Moroni at ang kanyang mga tao. …
Inuuna niya si Jesucristo, tulad ng lahat ng nagtatagumpay sa paghihikayat sa mga nahihirapang tumahak sa landas patungo sa kanilang tahanan sa langit. …
Nakita ni Mormon ang kababaang-loob nila bilang patunay ng lakas ng kanilang pananampalataya. …
Pagkatapos ay hinikayat sila ni Mormon sa pamamagitan ng pagpapatotoo na paparoon na sila sa pagtanggap sa kaloob ng kanilang puso na puspos ng dalisay na pag-ibig ni Cristo. …
Sa paggunita sa nakaraan, nakikita ko na ngayon kung paanong ang kaloob na pag-ibig sa kapwa-tao—ang dalisay na pag-ibig ni Cristo—ay pinalakas, ginabayan, sinuportahan, at binago ang aking ina sa hirap na kanyang kinaharap sa kanyang daan pauwi. …
… Alam ng Tagapagligtas ang detalye ng paghihirap ninyo. Alam Niya ang malaking potensiyal ninyong umunlad sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa kapwa-tao.
Ang mga kautusan at tipang ibinibigay Niya sa inyo ay hindi mga pagsubok para kontrolin kayo. Ang mga ito ay kaloob na tutulong sa inyo para matanggap ang lahat ng kaloob ng Diyos at makabalik sa inyong Ama sa Langit at sa Panginoon, na nagmamahal sa inyo.