“Pangalagaan at Ibahagi ang Inyong Patotoo—Mga Sipi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2022.
Pangalagaan at Ibahagi ang Inyong Patotoo
Mga Sipi
Nalalaman at Nauunawaan Ko Ba Kung Ano ang Patotoo?
Ang inyong patotoo ay pinakamahalagang pag-aari ninyo, na madalas na nauugnay sa malalalim na espirituwal na damdamin. Ang mga damdaming ito ay tahimik na nadarama at inilalarawan bilang “banayad at munting tinig” [1 Mga Hari 19:12]. Ito ang inyong paniniwala o kaalaman tungkol sa katotohanan na ibinigay bilang patotoo sa pamamagitan ng impluwensya ng Espiritu Santo. …
Alam Ko Ba Kung Paano Ako Magpapatotoo?
Nagpapatotoo kayo kapag nagbabahagi kayo sa iba ng mga espirituwal na nadarama ninyo. Bilang miyembro ng Simbahan, dumarating ang mga pagkakataong magpatotoo sa mga pormal na miting ng Simbahan o sa di-gaanong pormal at personal na pakikipag-usap sa pamilya, mga kaibigan, at iba pa.
Isa pang paraan na maibabahagi ninyo ang inyong patotoo ay sa pamamagitan ng mabuting pag-uugali. …
Ang mga miyembro ng Simbahan ay tumatayo bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon, sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar. Ang mga pagkakataong gawin ito sa internet gamit ang nagbibigay-inspirasyong nilalaman na sariling gawa natin o pagbabahagi ng nakasisiglang nilalaman na ginawa ng iba ay walang katapusan. …
Ano ang mga Balakid sa Pagbabahagi ng Aking Patotoo?
Maaaring kabilang sa mga balakid sa pagbabahagi ng inyong patotoo ay ang hindi kayo nakatitiyak kung ano ang sasabihin. …
Isa pang balakid … ay takot. …
… Ang pagkakaroon ng pananampalataya … ay magiging daan para madaig ang mga damdaming ito. …
Paano Ko Mapananatiling Malakas ang Aking Patotoo?
Naniniwala ako na ang patotoo ay bahagi na natin, gayunman, upang ito ay mapanatiling malakas at mas lubos na tumibay, itinuro ni Alma na kailangan nating alagaan nang mabuti ang ating patotoo [tingnan sa Alma 32:37]. …
Mahal kong mga kapatid, ipinapangako ko na kapag mas lubos ninyong nauunawaan kung ano ang patotoo, at kapag ibinabahagi ninyo ito, madaraig ninyo ang mga balakid na kawalang-katiyakan at takot, na magbibigay-kakayahan sa inyo na pangalagaan at panatilihing malakas ang pinakamahalagang pag-aari na ito, ang inyong patotoo.