“Katuwang ang Panginoon—Mga Sipi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2022.
Katuwang ang Panginoon
Mga Sipi
Ipinahahayag ng ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo ang alituntunin ng lubos na pagiging magkatuwang ng babae at lalaki, kapwa sa mortal na buhay at sa kawalang-hanggan. Bagama’t ang bawat isa ay nagtataglay ng partikular na mga katangian at responsibilidad na itinakda ng Diyos, ginagampanan ng babae at lalaki ang mga tungkulin na may pantay na kahalagahan at kinakailangan sa plano ng kaligayahan ng Diyos para sa Kanyang mga anak. …
… Ayon sa doktrina ng ebanghelyo, ang pagkakaiba sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan ay hindi nagpapawalang-halaga sa mga walang hanggang pangako ng Diyos sa Kanyang mga anak na babae at lalaki. Walang may mas nakahihigit na posibilidad sa kaluwalhatiang selestiyal kaysa sa isa pa sa kawalang-hanggan. Ang Tagapagligtas mismo ay inaanyayahan tayong lahat, na mga anak ng Diyos, “na lumapit sa Kanya at makibahagi sa Kanyang kabutihan; at wala Siyang tinatanggihan sa mga lumalapit sa Kanya” [2 Nephi 26:33]. Kaya, sa kontekstong ito, itinuturing tayong lahat na pantay-pantay sa Kanyang harapan.
Kapag nauunawaan at isinasabuhay ng mga mag-asawa ang alituntuning ito, hindi nila ipinoposisyon ang kanilang mga sarili bilang pangulo o pangalawang pangulo ng kanilang pamilya. Walang mas mataas o mas mababa sa relasyon ng mag-asawa, at walang nauuna o nahuhuling maglakad. Lumalakad silang katabi ng banal na anak ng Diyos bilang magkapantay. Nagiging isa sila sa isipan, hangarin, at layunin ng ating Ama sa Langit at ni Jesucristo, pinamumunuan at ginagabayan ang pamilya nang magkasama.