2022
Isuot Mo ang Iyong Lakas, O Sion—Mga Sipi
Nobyembre 2022


“Isuot Mo ang Iyong Lakas, O Sion—Mga Sipi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2022.

Isuot Mo ang Iyong Lakas, O Sion

Mga Sipi

sipi sa Bednar data-poster

I-download ang PDF

Taimtim kong idinadalangin na nawa’y turuan ng Espiritu Santo ang bawat isa sa atin habang magkasama nating pagninilayan ang talinghaga ng piging sa kasalan ng hari. …

Pagpasok ng hari sa bulwagan ng kasal, tiningnan niya ang mga panauhin at agad na napansing may isang hindi nakasuot ng damit pangkasal. Ipinatawag ang lalaki, at itinanong ng hari, “Kaibigan, paano ka nakapasok dito na hindi nakadamit pangkasal? Ngunit hindi siya nakapagsalita” [Mateo 22:12]. …

… Ang pagtanggi ng lalaki na isuot ang damit pangkasal ay pagpapakita ng tahasang kawalan ng paggalang kapwa sa hari at sa anak nito. Hindi lamang niya hindi isinuot ang damit pangkasal; kundi pinili talaga niyang hindi ito isuot. … Mabilis ang naging tugon at desisyon ng hari: “Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas. Doon ay ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin” [Mateo 22:13].

… Ipinakita ng hindi niya pagsusuot ng wastong damit ang pagrerebelde ng kanyang kalooban laban sa hari at sa utos nito.

Nagtapos ang talinghaga sa banal na kasulatan na tumatagos sa kaibuturan: “Marami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili” [Mateo 22:14].

… Ang Diyos ay walang listahan ng mga paborito kung saan maaari tayong umasa na balang-araw ay maidaragdag ang ating pangalan sa listahan. Hindi Niya nililimitahan “ang hinirang” sa iilang tao lang. Sa halip, ang ating mga puso, ating mga naisin, ating pagtupad sa sagradong mga tipan at ordenansa ng ebanghelyo, ating pagsunod sa mga kautusan, at, ang pinakamahalaga, ang nakatutubos na biyaya at awa ng Tagapagligtas ang tutukoy kung kabilang tayo sa mga napili ng Diyos. …

Kapag wasto nating hinihiling ang espirituwal na kaloob na mga matang nakakikita at taingang nakaririnig, ipinapangako ko na bibiyayaan tayo ng kakayahan at karunungan upang mapalakas ang ating ugnayan sa tipan sa buhay na Panginoon. Matatanggap din natin ang kapangyarihan ng kabanalan sa ating buhay—at sa huli ay kapwa matatawag at mapipili sa piging ng Panginoon.