2022
Buong Puso—Mga Sipi
Nobyembre 2022


“Buong Puso—Mga Sipi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2022.

Buong Puso

Mga Sipi

sipi sa Craig data-poster

I-download ang PDF

Bilang mga disipulo ni Jesucristo, tayo ay naniniwala at maaaring lumago sa tatlong mahalagang katotohanan.

Una, Maaari Nating Tuparin ang Ating mga Tipan, Kahit Hindi Iyon Madali

Kapag may hamon sa inyong pananampalataya, sa inyong pamilya, o sa inyong kinabukasan—kapag nagtataka kayo kung bakit napakahirap ng buhay samantalang ginagawa ninyo ang lahat para ipamuhay ang ebanghelyo—alalahanin na sinabi sa atin ng Panginoon na asahan ang mga problema. Ang mga problema ay bahagi ng plano at hindi nangangahulugan na pinabayaan na kayo; bahagi iyon ng kahulugan ng maging Kanya. …

Ang maginhawang buhay ay hindi naghahatid ng kapangyarihan. Ang kapangyarihang kailangan natin para matiis ang ating mga pagsubok ay ang kapangyarihan ng Panginoon, at dumadaloy ang Kanyang kapangyarihan sa ating mga tipan sa Kanya. …

Pangalawa, Maaari Tayong Kumilos nang May Pananampalataya

Bilang mga disipulo ni Jesucristo, nauunawaan natin na ang pananampalataya sa Kanya ay nangangailangan ng pagkilos—lalo na sa mahihirap na panahon. …

Pangatlo, Maaaring Maging Buong Puso at Masaya Tayo sa Ating Debosyon

… Hindi ko talaga dapat isipin kailanman na ang pagsubok sa panahong ito ay lumilikha ng pag-aalinlangan tungkol sa pagmamahal ng Diyos sa akin o nauuwi sa pagdududa ang pananampalataya ko sa Kanya. …

At hanggang sa gumaling ang araw-araw na mga sugat ng mortalidad, maghihintay ako sa Panginoon at magtitiwala sa Kanya—sa Kanyang takdang panahon, Kanyang karunungan, Kanyang plano.

Habang kakapit-bisig ko kayo, nais kong manatiling tapat sa Kanya magpakailanman. Buong puso. Batid natin na kapag minamahal natin si Jesucristo nang buong puso, ibinibigay Niya sa atin ang lahat bilang kapalit.