“Makita pang Lalo ang mga Pagpapala at Patnubay ni Jesucristo sa Ating Buhay—Mga Sipi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2022.
Makita pang Lalo ang mga Pagpapala at Patnubay ni Jesucristo sa Ating Buhay
Mga Sipi
Para tulungan tayong manatiling nakatuon at papunta sa tamang direksyon, inaanyayahan tayo ng Tagapagligtas na tingnan ang ating buhay sa pamamagitan Niya para makita pang lalo ang Kanyang mga pagpapala at patnubay sa ating buhay. …
Dahil maaga akong sumunod sa ebanghelyo, marami akong nakita at napunang mga pagbabago sa aking mga ugali, gawi, at pagpili nang sumapi ako sa Simbahan. …
… Sa matinding pagsisikap na isaalang-alang at hanapin si Jesucristo sa bawat iniisip at ginagawa ko, naliwanagan ang aking mga mata, at napukaw ang aking pang-unawa para mapansin na tinatawag ako ni Jesucristo na “lumapit sa Kanya.” …
Nalaman ko noon, tulad ng alam ko ngayon, na ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo ang gumagabay sa ating mga paa patungo sa mga meetinghouse bawat linggo para tumanggap ng Kanyang sakramento, patungo sa bahay ng Panginoon para makipagtipan sa Kanya, patungo sa mga banal na kasulatan at sa mga turo ng mga propeta para malaman ang Kanyang mga salita. Ginagabayan Niya ang ating bibig para magpatotoo tungkol sa Kanya, ang ating kamay para tumulong at maglingkod na katulad Niya, ang ating mga mata para tingnan ang mundo at ang bawat isa na katulad ng pagtingin Niya—“kung ano talaga ang mga ito, at … kung ano talaga ang magiging ito” [Jacob 4:13]. At habang tinutulutan natin Siyang gabayan tayo sa lahat ng bagay, tumatanggap tayo ng patotoo na “lahat ng bagay ay nagpapatunay na may Diyos” [Alma 30:44], dahil saan man natin Siya hanapin ay naroon Siya.