Daigin ang Mundo at Makasumpong ng Kapahingahan
Mga Sipi
Ano ang ibig sabihin ng daigin ang mundo? Ang ibig sabihin nito ay pagdaig sa tukso na higit na pahalagahan ang mga bagay ng mundong ito kaysa sa mga bagay ng Diyos. Ang ibig sabihin nito ay pagtitiwala sa doktrina ni Cristo kaysa sa mga pilosopiya ng mga tao. … Ang ibig sabihin nito ay pagpiling umiwas sa anumang nagtataboy sa Espiritu. …
Kung gayon, paano natin madaraig ang mundo? … Sa tuwing kayo ay naghahangad ng at sumusunod sa mga pahiwatig ng Espiritu, sa tuwing kayo ay gumagawa ng anumang bagay na mabuti—mga bagay na hindi gagawin ng “likas na tao,” nadaraig ninyo ang mundo. …
Ngayon, paano pinagpapala ng pagdaig sa mundo ang ating buhay? Malinaw ang sagot: Ang pakikipagtipan sa Diyos ay nagbibigkis sa atin sa Kanya sa isang paraan na mas pinadadali ang lahat ng bagay sa buhay. Huwag sana kayong magkamali ng pag-unawa sa akin: Hindi ko sinabi na pinadadali ng pakikipagtipan ang buhay. Sa katunayan, asahan ang kabaligtaran nito, dahil ayaw ng kaaway na matuklasan ninyo ang kapangyarihan ni Jesucristo. Ngunit ang paglapit ninyo sa Tagapagligtas ay nangangahulugan na nagagamit ninyo ang Kanyang lakas at nakatutubos na kapangyarihan. …
… Nakikiusap ako ngayon sa inyo—na alagaan ang sarili ninyong patotoo kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Pagsikapang makamit ito. Pagyamanin ito para lumago ito. Busugin ito ng katotohanan. …
… Habang hinahayaan ninyong manaig ang Diyos sa inyong buhay, nangangako ako sa inyo nang higit na kapayapaan, kumpiyansa, kagalakan, at oo, kapahingahan.