“Putong na Bulaklak sa Halip na mga Abo: Ang Nagpapagaling na Landas ng Pagpapatawad—Mga Sipi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Nob. 2022.
Putong na Bulaklak sa Halip na mga Abo: Ang Nagpapagaling na Landas ng Pagpapatawad
Mga Sipi
Hindi tayo naiiwang mag-isa para harapin ang mga bunga ng ginawa ng iba; tayo rin ay mapapagaling at mabibigyan ng pagkakataong maligtas mula sa pagkapoot at sa anumang maaaring gawin natin kasunod nito.
… Iniuutos sa atin ng Panginoon na magpatawad tayo para sa sarili nating ikabubuti. Ngunit hindi Niya ito iniutos sa atin nang wala ang Kanyang tulong, pagmamahal, pag-unawa. Sa pamamagitan ng ating mga tipan sa Panginoon, matatanggap ng bawat isa sa atin ang lakas, patnubay, at ang tulong na kailangan natin upang magpatawad at mapatawad. …
… Sinabi Niya, “Ang Espiritu ng Panginoon ay nasa akin, sapagkat ako’y hinirang niya upang ipangaral ang magandang balita sa mga dukha; ako’y sinugo niya upang [pagalingin ang mga namimighati], upang ipahayag ang paglaya sa mga bihag, at ang muling pagkakaroon ng paningin sa mga bulag, upang palayain ang mga naaapi” [Lucas 4:18; idinagdag ang diin].
Sa lahat ng namimighati, bihag, naapi, at marahil nabulag ng pasakit o kasalanan, Siya ay nagbibigay ng pagpapagaling, at kaligtasan. Pinatototohanan ko na ang paggaling na alok Niya ay tunay. …
Si Jesucristo ang inyong personal na Mesiyas, ang inyong mapagmahal na Manunubos at Tagapagligtas, na nakaaalam sa mga pagsamo ng inyong puso. Hangad Niya ang inyong paggaling at kaligayahan. Mahal Niya kayo. Siya ay tumatangis kasama ninyo sa inyong mga kalungkutan at kagalakan upang pagalingin kayo. Nawa’y tanggapin natin ang Kanyang mapagmahal na kamay na ipinagkaloob sa atin sa pagtahak sa landas ng pagpapatawad.