2010–2019
Ulat ng Church Auditing Department, 2010
Abril 2011


2:3

Ulat ng Church Auditing Department, 2010

Sa Unang Panguluhan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Mahal na mga Kapatid: Tulad ng nakasaad sa paghahayag sa bahagi 120 ng Doktrina at mga Tipan, ang Council on the Disposition of the Tithes ang nagpapahintulot sa paggugol ng pondo ng Simbahan. Ang konsehong ito ay binubuo ng Unang Panguluhan, ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ng Presiding Bishopric. Ang konsehong ito ang nag-aapruba ng badyet para sa mga departamento, pagpapatakbo, at kaugnay na mga alokasyon sa mga yunit ng Simbahan. Ginugugol ng mga departamento ng Simbahan ang mga pondo ayon sa inaprubahang mga badyet at sa mga patakaran at pamamaraan ng Simbahan.

Pinahintulutan ang Church Auditing Department na makita ang lahat ng rekord at sistemang kailangan upang masuri kung sapat ang kontrol sa mga pagtanggap ng pondo, paggastos, at pangangalaga sa mga ari-arian ng Simbahan. Ang Church Auditing Department ay hiwalay sa lahat ng iba pang mga departamento at pagpapatakbo ng Simbahan, at ang mga kawani ay binubuo ng mga certified public accountant, certified internal auditor, certified information systems auditor, at iba pang mga lisensyadong propesyonal.

Batay sa mga isinagawang awdit, ipinasiya ng Church Auditing Department na, sa lahat ng bagay na materyal, ang mga natanggap na kontribusyon, pondong ginugol, at mga ari-arian ng Simbahan sa taong 2010 ay naitala at napangasiwaan alinsunod sa angkop na mga gawain sa accounting, inaprubahang badyet, at mga patakaran at palakad ng Simbahan.

Buong paggalang na isinumite,

Church Auditing Department

Robert W. Cantwell

Managing Director