2010–2019
Ulat sa Estadistika, 2010
Abril 2011


2:3

Ulat sa Estadistika, 2010

Ipinalabas ng Unang Panguluhan ang sumusunod na ulat sa estadistika ng Simbahan para sa 2010. Nitong Disyembre 31, 2010, may 2,896 na stake, 340 mission, 614 na district, at 28,660 ward at branch.

Ang kabuuang bilang ng mga miyembro ng Simbahan sa pagtatapos ng 2010 ay 14,131,467.

Mayroong 120,528 na mga batang nadagdag sa talaan ng Simbahan, at 272,814 ang mga convert na nabinyagan noong 2010.

Ang bilang ng mga full-time missionary na naglilingkod sa pagtatapos ng taon ay 52,225.

Ang bilang ng mga service missionary ng Simbahan ay 20,813, at marami sa kanila ang nasa kanilang tahanan at tinawag upang sumuporta sa iba’t ibang gawain ng Simbahan.

Apat na templo ang inilaan sa nakaraang taon: Vancouver British Columbia Temple sa Canada; The Gila Valley Arizona Temple sa Estados Unidos; Cebu City Philippines Temple; at Kyiv Ukraine Temple.

Ang Laie Hawaii Temple sa Estados Unidos ay muling inilaan noong 2010.

Ang kabuuang bilang ng mga templong gumagana sa buong mundo ay 134.

Mga Dating Pangkalahatang Pinuno ng Simbahan at Iba na Pumanaw simula noong Pangkalahatang Kumperensya ng Abril

Sina Elder W. Grant Bangerter, Adney Y. Komatsu, Hans B. Ringger, LeGrand R. Curtis, Richard P. Lindsay, Donald L. Staheli, at Richard B. Wirthlin, mga dating miyembro ng mga Korum ng Pitumpu; Barbara B. Smith, dating Relief Society general president; Ruth H. Funk, dating Young Women general president; Norma Jane B. Smith, dating tagapayo sa Young Women general presidency; Helen Fyans, balo ni Elder J. Thomas Fyans, isang emeritus General Authority; Arnold D. Friberg, pintor at tagalarawan; at J. Elliot Cameron, dating commissioner of education ng Simbahan.